Pangangalaga sa kalikasan, panawagan ng DENR

SHARE THE TRUTH

 12,924 total views

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng pagkakaisa sa pagtatanim at pangangalaga ng kalikasan sa pagdiriwang ng Arbor Day ngayong taon.

Sa mensahe ni DENR Secretary Raphael P. M. Lotilla, iginiit niyang ang Arbor Day ay hindi lamang isang makabuluhang pagdiriwang kundi mahalagang pagkakataon upang ipakita ang sama-samang pangako ng mga Pilipino sa pangangalaga ng kalikasan.

“Each tree planted is not only a lasting gift. It is an investment in the health, resilience, and future of our communities,” pahayag ni Lotilla.

Batay sa Republic Act No. 10176 o Arbor Day Act of 2012, ginugunita taon-taon ang Arbor Day bilang pambansang panawagan para sa pagtatanim ng mga puno at pagpapanumbalik ng kapaligiran.

Binibigyang-diin nito ang karapatan ng bawat Pilipino sa malusog na kapaligiran at ang mahalagang tungkulin ng mga punongkahoy sa pagharap sa krisis sa klima.

Ayon pa kay Lotilla, patuloy ang mga hakbang ng DENR sa larangan ng reforestation, urban greening, at sustainable forest management sa ilalim ng Enhanced National Greening Program, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, civil society, katutubong pamayanan, at bawat mamamayang handang magtanim, mag-alaga, at magpanatili ng kagubatan.

“Let this Arbor Day be a starting point. Together, let’s grow and inspire further protection of our forests that will outlive us—providing silent but enduring sentinels of clean air, biodiversity, and climate action for generations to come,” ayon kay Lotilla.

Sa panig naman ng simbahan, isinusulong ng Caritas Philippines sa ilalim ng Alay Kapwa para sa Kalikasan, ang Bamboo Forest Project upang palaganapin sa 86 diyosesis ang pagtatanim ng kawayan at iba pang punongkahoy bilang tugon sa epekto ng climate crisis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battle of uncertainty

 9,594 total views

 9,594 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 22,955 total views

 22,955 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 37,775 total views

 37,775 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 55,270 total views

 55,270 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 108,694 total views

 108,693 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top