Pangangalaga sa Kita ng Pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,304 total views

Kapanalig, narinig niyo na ba ang karaniwang sinasabi sa mga Filipino – na marami sa atin ay mga one day millionaire? May mga nagsasabi rin na galit tayo sa pera- kapag dumating ito, ginagastos natin kaagad sila.
Ang mga salitang ito ay naglalarawan ng kakulangan sa kaalaman ng maraming Filipino ukol sa maayos na pangangalaga ng ating kita. Kadalasan kasi, kadarating pa lamang ng sweldo ay ubos na agad ito. Naiutang na kasi kapanalig, bago pa dumating ito.

Marami rin sa ating hindi nag-iimpok, lalo na sa bangko. Marami rin sa ating ang hindi gumagamit ng mga financial products na maaring magpalago ng kakarampot nating kita.

Ayon nga sa isang pag-aaral ng World Bank Group noong 2015, 41% ng kanilang nasurvey na Filipino ay hindi gumagamit ng kahit anumang financial product. Wala silang bank account. At sinabi rin nila na kadalasan, hindi sila gumagamit ng bank o financial products kasi wala silang pera, hindi nila kailagan, wala silang tiwala sa mga financial institutions, at hindi nila ma-access ito.

Kaya nga’t mahalaga na mas maayos pa ang mga pasilidad na magpapataas ng access natin sa mga financial institutions. Marami kasi ang nagsasabi, lalo na sa mga probinsya, na distansya ang dahilan kung bakit hindi sila nagbabangko. Sa ngayon, 8.6 ang access points natin kada 100,000 katao, ayon sa sa pag-aaral ng World Bank Group . Naka-concentrate kasi sa mga syudad at urban centers ang mga bangko natin.
Ang pagkakaroon ng mas maraming bangko, malaki man o maliit, sa mas maraming lugar sa bayan ay isang paraan upang mapangalagaan ang kita ng mga Filipino. Napakarami ng ating mga OFWs. Kung karamihan sa kanila ay bank transfer ang gagawin, mas ligtas ang kanilang pera, mas makaka-ipon sila, at maari pang kumita ng interes ang kanilang pinapadala. Kapag dumadaan din sa formal channels gaya ng bangko ang kanilang pinapadala, nakakatulong din sila sa paglago ng ekonomiya.

Kapanalig, ang pag-ahon ng ating kabahayan ay nakasalalay sa maayos na pag-hawak natin ng ating pera. Ang pagbabangko ay isang paraan upang makapag-impok tayo at mapalaki pa ang ating kita. Kaya nga lamang, kung susuring mabuti, wala masyadong mga financial products na targeted para sa tunay na maralita. Exclusive pa rin ang dating ng banking system sa bansa.

Ayon sa Populorum Progressio, bahagi ng Panlipunang Turo ng ating Simbahan, dapat iwasan natin ang pagpapalago pa ng yaman ng mga mayaman at ang pagpapalakas pa ng mga nasa kapangyarihan, habang iniiwan naman natin sa dilim ng karalitaan ang mahihina nating kababayan. Hindi ito makatarungan, kapanalig, at hindi ito ayon sa ating pananalig bilang Kristyanong Katoliko. Kung accessible lamang sa mga may kaya ang mga financial facilities ng bayan, sila lamang ang magkakaroon ng pagkakataong mapangalagaan ang kanilang kita. Asan ang hustisya sa ganitong sitwasyon?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 13,527 total views

 13,527 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,639 total views

 83,639 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,253 total views

 158,253 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,332 total views

 238,332 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,068 total views

 281,068 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 13,528 total views

 13,528 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,640 total views

 83,640 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,254 total views

 158,254 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,333 total views

 238,333 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top