Pangangalaga sa may sakit, paanyaya nang paglapit sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 355 total views

Inaanyayahan ng Diocese ng Parañaque ang mananampalataya na makiisa sa isasagawang webinar na tatalakay sa gampanin ng simbahan sa pangangalaga sa mga may sakit.

Ito ay ang Webinar on Pastoral Care of the Sick na gaganapin mamayang alas-7 hanggang alas-9 ng gabi.

Ayon kay Msgr. Bobby Olaguer, chairperson ng Commission on Service to Human Promotion o Caritas Parañaque ang webinar ay mahalaga hindi lamang para sa sarili kundi maging sa mga mahal natin sa buhay.

Sinabi ng pari na isang instrumento ng Panginoon ang mga may sakit upang mas lalo pang mapalapit sa Diyos at magampanan pa ng wasto ang ating paglilingkod sa kapwa.

“Kaya sila rin sa paraang ito [ay] nagiging instrumento ng Panginoon upang tayo rin ay malapit sa Panginoon at ganundin makapaglingkod sa ating kapwa,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Olaguer sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa pari, dahil sa pandemya ay naapektuhan hindi lamang ang pisikal kundi maging ang kaisipang pangkalusugan na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at depresyon sa mga tao.

“Kaya mas maganda ‘yung makaattend po tayo ng webinar na ito para alam natin at magkaroon ng direksyon ‘yung ating puso na gustong maglingkod at ang paglilingkod na ito ay nasa tamang direksyon,” ayon kay Msgr. Olaguer.

Kabilang sa mga tagapagsalita sa webinar sina Fr. Dan Vicente Cancino, Jr, MI, ang executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECH) at Fr. Eric Terrel, ang Chaplain ng Asian Hospital and Medical Center.

Matutunghayan ang webinar sa facebook page ng Roman Catholic Diocese of Parañaque at Caritas Parañaque.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 120,018 total views

 120,018 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 142,128 total views

 142,128 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 215,948 total views

 215,948 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 210,575 total views

 210,575 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top