Iwaksi ang katiwalian, patuloy na mensahe ng EDSA People Power

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Kaakibat ng pagiging mabuting Kristiyano ang pagiging mabuting Filipino.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo na kabilang sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution, hindi maaaring paghiwalayin ang pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa, sa pagmamahal at pagmamalasakit para sa bayan at sa lipunan sapagkat ito ay bahagi ng pagiging mabuting Kristiyano na isinabuhay ni Hesus nang siya ay magkatawang tao.

“Mabuti kang Kristiyano ngunit pangit kang Filipino hindi dapat, kung gusto mong maging mabuting Kristiyano maging mabuti kang Filipino it’s as simple as that,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangan ng mamamayan ang edukasyon sa pagiging mabuting mamamayan na maaaring simulan ng Simbahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman kasabay ng pagbabahagi ng tulong lalu na sa panahon ng pandemya.

“Dapat education of the people talaga, nagkaroon tayo ng pagkakataon ngayon makalapit talaga sa mga tao, sa mga maralita sa panahon ng pandemic na ito. Itong pagkakataon na ito ay gamitin natin para yung mga tao naman ay hindi lang mabigyan ng ayuda o pagkain kundi mabigyan ng edukasyon tungkol sa tunay na citizenship.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Binigyang diin naman ni Bishop Bacani na patuloy ang panawagan ng EDSA People Power Revolution na mawakasan na ang kurapsyon o katiwalian sa lipunan na dapat ring magsimula sa pamumuhay ng matapat at matuwid sa pang-araw-araw ng bawat mamamayan.

Ayon sa Obispo, walang dapat na maging puwang ang katiwalian at pagiging gahaman para sa pansariling interes sa halip ay dapat na mangibabaw ang kapakanan ng mas nakararami.

“Pero, tandaan natin ang pakikipaglaban sa kurapsyon ay hindi lamang minsan dapat patuloy yan at tandaan natin ang paglaban sa kurapsyon dapat una manggaling sa atin, bawat isa maging matuwid sa kanyang pamumuhay.” Pagbabahagi ni Bishop Bacani.

Sa datos ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) tinatayang aabot ng lima hanggang 10-bilyong dolyar ang nawala sa kaban ng bayan sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Sa tala naman ng Amnesty International, aabot sa mahigit 34,000 Filipino ang dumanas ng pang-aabuso at iba’t ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 nakulong at 3,240 katao ang napaslang noong Marial law.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,056 total reads

 22,056 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,183 total reads

 22,183 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,414 total reads

 39,414 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,820 total reads

 95,820 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,321 total reads

 219,321 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,742 total reads

 302,742 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top