Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangkalahatang kaunlaran sa administrayong Duterte, hiling ng obispo

SHARE THE TRUTH

 213 total views

Pangkalahatang kaunlaran.

Ito ang hiling ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa administrasyong Duterte dahil naipangako nito na maglulunsad siya ng mga polisiya sa ekonomiya para mapa – unlad ang mga mahihirap.
Hangad ni Bishop Bacani na hindi na matulad sa nakaraang administrasyon ang pamumuno ng bagong Pangulo.
Hiling din ng obispo na mapadama lalo na sa mga mahihirap na kaisa sila sa pag – unlad ng bansa tulad na rin ng isinusulong ni Pope Francis.
“Ganito ang basehan niyan kung ano ang makatutulong na magkaroon tayo ng economic growth at ikalawa kung ang economic growth na ito ay hindi lang para sa isang party. Katulad ng mga mayayaman, mga kapitalista kundi para sa buong bansa yung inclusive growth na madalas na ipinipilit ng ating Santo Papa. Kung anuman ang makatutupad diyan sa dalawang adhikain na yan, yan ay dapat suportahan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Veritas Patrol.
Makakaasa naman aniya ng suporta ang ika – 16 na pangulo ng bansa sa pagsusulong ng mga programa lalo na sa mga mahihirap.
“Diyan talaga siya makakakuha ng tulong sa simbahan kung magiging pro – poor siya. Ang simbahan kinakailangan na ma – convert siya ng mabuti para maging pro – poor. Sapagkat mukhang nagkukulang pa rin tayo. Kahit na ang programa natin ang tagal tagal na ‘Church of the Poor’ kagaya yung preferential option for the poor, pagmamahal na kumikiling sa mga maralita eh kulang ang inspirasyon sa pamamagitan ng presensiya ng mga namumuno sa pamamagitan ng pagtuturo at pagbibigay ng inspirasyon. Madalas pa rin kasi makikita mo dito sa Pilipinas ang simbahan ay maka – mayaman,” giit pa ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong unang quarter ng 2015 – bumaba ng 26.3 percent ang official poverty incidence ng Pilipinas.
May bahagya rin itong pagbuti kung ikukumpara sa parehong petsa noong 2012 kung saan nakapagtala ng 27.9 percent.
Samantala ayon sa National Economic And Development Authority o NEDA, halos isa sa apat na pamilyang pilipino lamang ang maituturing na mahirap sa first semester noong 2015.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 14,712 total views

 14,712 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 28,672 total views

 28,672 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 45,824 total views

 45,824 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,108 total views

 96,108 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,028 total views

 112,028 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 67,917 total views

 67,917 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,732 total views

 93,732 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,372 total views

 133,372 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top