Pangulong BBM, nanawagan sa mga local officials na maging konsensiya laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,525 total views

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin bilang konsensiya, gabay, at tinig ng mamamayan upang bantayan ang mga maling gawi at kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang, kasabay ng panunumpa sa mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP), binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang matatag at tapat na pamumuno sa mga lalawigan upang wakasan ang maling nakasanayan sa pamahalaan.

“Kaya’t hinihikayat ko kayo: Paglingkuran natin nang buong katapatan ang sambayanan; tiyakin natin nasa wasto ang mga proyekto na ipinapatupad ng pambansang pamahalaan at ng lalawigan; at isiwalat natin kung may makikitang taliwas,” panawagan ni Marcos sa ginanap na oath taking ceremony ng mga opisyal ng LPP.

Ayon kay Marcos, nasa simula pa lamang ng laban ang pamahalaan at mahaba pa ang landas tungo sa ganap na pagbabago. Kailangan aniya ang aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa masusing pagsusuri at pagbabantay upang mailantad ang mga proyektong “nakakubli sa kadiliman.

Hinimok din niya ang mga opisyal ng LPP na maglingkod nang may buong katapatan, tiyakin ang wastong pagpapatupad ng mga proyekto ng pambansa at lokal na pamahalaan, at isiwalat ang anumang gawain o proyektong taliwas sa interes ng taumbayan.

Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling kapakanan kundi para sa sambayanan,” giit ng Pangulo.

Ang panawagan ng Pangulo ay kasabay na rin ng kasalukuyang iregularidad sa mga flood control projects sa gobyerno kung saan hinihinalang sangkot hindi lamang ang mga contractor, at pulitiko kundi maging ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,461 total views

 28,461 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,395 total views

 202,395 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,028 total views

 180,028 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,115 total views

 243,115 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,806 total views

 260,806 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top