Diocese of Assisi, inimbitahan ang lahat na tunghayan ang canonization ni BL Carlo Acutis via live streaming

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,463 total views

Inaanyayahan ng Diocese of Assisi sa Italy ang lahat ng mananampalataya sa buong mundo na makibahagi sa makasaysayang Canonization ni Blessed Carlo Acutis sa darating na Setyembre 7 sa St. Peter’s Square, Vatican.

Ang buong seremonya ay mapapanood sa iba’t ibang live at broadcast platforms, kabilang ang mga screen na ilalagay sa loob ng Shrine of the Renunciation sa Assisi.

Sa opisyal na pahayag ng Diyosesis, binigyang-diin nito: “On the occasion of the canonization of Carlo Acutis, scheduled for Sunday, September 7th in St. Peter’s Square starting at 10:00 a.m., the Shrine of the Renunciation in Assisi will broadcast live from Rome on several screens located inside the Shrine.”

Bilang bahagi ng paghahanda, ipinaalala rin ng Diyosesis sa mga media personnel na ang Sala Vicari ng Bishops’ Palace sa Assisi ang magsisilbing headquarters para sa kanilang operasyon. Dagdag pa rito, hanggang Setyembre 6 ang huling araw ng aplikasyon para sa accreditation sa ilalim ng Social Communications Ministry.

Matapos ang canonization, magsisimula ang isang buwang serye ng thanksgiving masses simula Setyembre 8 sa Roma, na pangungunahan ni Cardinal Marcello Semeraro, Prefect of the Dicastery for the Causes of Saints. Sa parehong araw, gaganapin din ang isang misa sa Church of Santa Maria Maggiore sa Assisi sa pangunguna ni Bishop Domenico Sorrentino ng Diocese of Assisi – Nocera Umbra – Gualdo Tadino at Foligno.

Ayon sa pahayag: “On Monday, September 8th, the Mass of Thanksgiving presided over by the Bishop… will begin at 6:00 p.m. in the Church of Santa Maria Maggiore – Shrine of the Renunciation in Assisi.”

Ang mga misa ng pasasalamat ay magpapatuloy sa iba’t ibang simbahan sa Roma at Italy hanggang Oktubre 12, ang mismong kapistahan ni Blessed Carlo Acutis.

Matatandaang naantala ang canonization mula sa orihinal na petsa nitong Abril 27, 2025, bunsod ng pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 214,036 total views

 214,036 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 244,260 total views

 244,260 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 270,904 total views

 270,904 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 365,877 total views

 365,877 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 373,034 total views

 373,034 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top