Pangulong BBM, nanawagan sa mga local officials na maging konsensiya laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,652 total reads

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin bilang konsensiya, gabay, at tinig ng mamamayan upang bantayan ang mga maling gawi at kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang, kasabay ng panunumpa sa mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP), binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang matatag at tapat na pamumuno sa mga lalawigan upang wakasan ang maling nakasanayan sa pamahalaan.

“Kaya’t hinihikayat ko kayo: Paglingkuran natin nang buong katapatan ang sambayanan; tiyakin natin nasa wasto ang mga proyekto na ipinapatupad ng pambansang pamahalaan at ng lalawigan; at isiwalat natin kung may makikitang taliwas,” panawagan ni Marcos sa ginanap na oath taking ceremony ng mga opisyal ng LPP.

Ayon kay Marcos, nasa simula pa lamang ng laban ang pamahalaan at mahaba pa ang landas tungo sa ganap na pagbabago. Kailangan aniya ang aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa masusing pagsusuri at pagbabantay upang mailantad ang mga proyektong “nakakubli sa kadiliman.

Hinimok din niya ang mga opisyal ng LPP na maglingkod nang may buong katapatan, tiyakin ang wastong pagpapatupad ng mga proyekto ng pambansa at lokal na pamahalaan, at isiwalat ang anumang gawain o proyektong taliwas sa interes ng taumbayan.

Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling kapakanan kundi para sa sambayanan,” giit ng Pangulo.

Ang panawagan ng Pangulo ay kasabay na rin ng kasalukuyang iregularidad sa mga flood control projects sa gobyerno kung saan hinihinalang sangkot hindi lamang ang mga contractor, at pulitiko kundi maging ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,217 total reads

 31,217 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,269 total reads

 67,269 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,104 total reads

 121,104 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 183,152 total reads

 183,152 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 250,895 total reads

 250,895 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 44,424 total reads

 44,424 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top