Pagkakaisa ng lahat, kinakailangan sa pangangalaga ng kalikasan-Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,399 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na manatiling matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng mundo at ng bansa.

Ito ang mensahe ng obispo bilang pakikiisa sa pandaidigang pagdiriwang ng Season of Creation 2025 sa temang Peace with Creation: Seeds of Peace and Hope.

Ayon kay Bishop Alminaza, napapanahon ang pagdiriwang ngayong taon dahil hindi lamang ilang buwan kundi maraming taon nang nagaganap ang mga armadong tunggalian sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bukod dito, patuloy ring dumarami ang mga kontrobersiya hinggil sa katiwalian sa bansa, kabilang ang maling paggamit ng pondong inilaan para sa pagtugon sa climate emergency at mga proyekto tulad ng flood control.

“There’s so much challenge that there’s a small or maybe even big temptation to really lose hope,” mensahe ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ng obispo, bilang Simbahang Katolika, partikular sa Diyosesis ng San Carlos, ipagpapatuloy nila ang pagsisikap na pangalagaan ang kalikasan, hindi lamang para sa sangnilikha kundi para rin sa mga mahihirap na higit na apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

Iginiit ni Bishop Alminaza na hindi maaaring magkaroon ng tunay na kapayapaan kapag patuloy na inaabuso ang mga likas-yaman.

“The cry of the common home is very much related to the cry of the poor. Responding to both cries is a good way to establish peace in the world,” ayon sa obispo.

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ at pagtugon sa panawagan ni Pope Leo XIV, maglulunsad ang diyosesis, sa pamamagitan ng Lunhaw Integral Ecology Ministry, ng iba’t ibang konkretong hakbang para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Kabilang dito ang pagtatanim ng mga puno, community clean-up drive, at mga pagninilay at talakayan hinggil sa pananagutan ng bawat isa bilang katiwala ng sangnilikha.

Hinamon naman ni Bishop Alminaza ang lahat na magkaisa at magsumikap para sa pagbuo ng isang mundong mapayapa, makatarungan, at may malasakit sa kalikasan.

“We encourage everybody, people of goodwill, to join hand in hand in caring for our common home as an expression of our love for God and our love for one another,” panawagan ni Bishop Alminaza.

Ipinagdiriwang ang Season of Creation simula September 1 hanggang October 4, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng kalikasan, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,675 total reads

 43,675 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,602 total reads

 123,602 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,049 total reads

 157,049 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,348 total reads

 192,348 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,220 total reads

 417,220 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,681 total reads

 156,681 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top