299 total views
Ibinahagi ni Presidential Communications Operations Office chief Martin Andanar na isa sa mga paborito nito sa State of The Nation Address ni President Rodrigo Duterte ay nang linawin ng pangulo ang separation of Church and state.
Ayon kay Andanar, aminado ang pangulong Duterte na hindi maaaring ihiwalay ang Estado sa Panginoon.
Ayon kay Andanar, nagpapatunay lamang ito na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng relihiyon sa bansa, ay may Diyos parin na siyang kinakailangang gumabay sa Pilipinas.
“That’s one of the three lines that I love in that speech yung sinabi nya na, though the president is stipular for the separation of church and State, he believes that, let me paraphrase it, he believes that you can never separate God and State, because we all have different Gods and a Church can be a Church but you can have different God in a Church,” pahayag ni Andanar sa panayam ng Radyo Veritas.
Dagdag pa nito, kung wala ang presensya ng Diyos sa isang bansa, ay magmimistulan itong naliligaw o napapariwara ng landas.
Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging prominenteng Kristiyanong bansa sa buong Asya.
Naitala ng Catholic Directory of the Philippines noong 2013 ang 76.18 million na bilang ng mga katoliko mula sa kabuuang populasyon ng bansa na 96.8 million.