Pangulong Duterte, Hindi itinuturing na tao ang mga napatay sa War on Drugs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Tila hindi itinuturing ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang tao ang mga biktima ng ‘drug related killings’.

Ito ang reaksyon ni CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa naging pahayag ng Pangulo sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.

“He said while Church and Human rights Advocates are ‘Concerned about human rights,’ he is ‘Concerned about human lives.’(Is not the right to life the most basic human right?) Such a Statement implies that the victims of drug-related killings are NOT HUMAN LIVES!,” pahayag ni Bishop David sa kaniyang facebook post.

Paliwanag ni Bishop David, ang buhay ang pangunahing karapatan ng bawat tao.

Paglilinaw pa ng obispo, walang sinuman maging ang Simbahan at Human rights Advocate na pumapayag na hayaan ang pagkalat ng ilegal na droga sa Bansa.

“Isn’t it obvious that they are also Victims, and that they also need to be saved, not killed? The fight against illegal drugs must indeed be Relentless, but the Killings—either by the Police or by Masked vigilantes—must be stopped! This will remain as our Stubborn and Relentless Plea,” ayon pa kay Bishop David.

Binigyan-diin ng Obispo na ang mga pinatay na Drug Users ay biktima din ng droga na dapat ding bigyang tuon ng Gobyerno.

Sa pinakahuling ulat, higit na sa 20,000 ang mga napapatay na may kinalaman sa ‘anti-drug campaign’ ng Pamahalaan.

Naninindigan ang simbahang katolika na hindi ang pagpaslang kundi ang pagpapanibago sa mga nalulong sa Bisyo ang dapat na maging tugon sa malawakang Problema sa ilegal na droga sa Bansa.

Bukod sa mga drug based Community Rehabilitation, nagtayo na rin ang Archdiocese of Manila ng Recovery and Rehabilation Center para sa mga magtatapos ng 6 month Community based Rehabilitation at para sa tuloy-tuloy na paggaling ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 33,567 total views

 33,567 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 33,567 total views

 33,567 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 33,567 total views

 33,567 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 32,435 total views

 32,435 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 29,483 total views

 29,483 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top