Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, hinimok na i-veto ang Anti-Terror Act of 2020

SHARE THE TRUTH

 306 total views

June 9, 2020, 6:04AM

Mariing kinundina ng NASSA/Caritas Philippines ang panukalang Anti-Terror Act of 2020 na isinusulong ng mga mambabatas.

Nasasaad sa opisyal na pahayag na nilagdaan ni NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi katanggap-tanggap, kawalang katarungan at paglabag sa Saligang Batas ang Anti-Terror Act of 2020 na tanging lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kinakailangan bago tuluyang maging isang batas.

Dahil dito, binigyang diin ng NASSA/Caritas Philippines ang kahalagahan na manindigan ang mamamayan laban sa mapang-abusong panukalang batas na maaaring maging mitsa ng ganap na pag-iral ng tyranny at totalitarianism.

Pinuna at kinundina rin ng NASSA/Caritas Philippines ang pagsasantabi ng naturang panukalang batas sa demokrasya ng bansa upang masunod at mapagbigyan ang interest ng iilan kabilang na ang Pangulong Duterte.

“We at NASSA/Caritas Philippines condemn in the strongest terms, the blatant maneuvering of the legislative processes and the rule of law to suppress legitimate dissent, and to criminalize or to arbitrarily brand as terrorists those who are perceived to be opposing the administration. We denounce the obvious circumvention of the democratic processes just to obey and please the self-interests of the legislators and the autocratic rule of the president.” pahayag ng NASSA/Caritas Philippines.

Iginiit ng NASSA/Caritas Philippines na ang panukalang batas ay taliwas at lumalabag sa karapatan ng bawat mamamayang Filipino at isang pagkutya sa Saligang Batas.

“The anti-terror bill violates the rights of our people and makes a mockery of our Constitution.” Dagdag pa ng NASSA/Caritas Philippines.

Umaasa naman ang NASSA/Caritas Philippines sa paninindigan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ng pagiging patas at tapat sa Saligang Batas ng Pilipinas bilang sandigan ng demokrasya ng bansa ang kataas-taasang hukuman ang usapin.

“It is our prayer that once the constitutionality of this bill is brought to the attention of the Supreme Court, our honorable justices will exhibit sense of fairness, impartiality and trustworthiness. They must live up to their being the last pillars of democracy and rule of law in our country.”panalangin ng NASSA/Caritas Philippines.

Naunang umapela si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto at baguhin ang ilang probisyon sa Anti-Terror Act of 2020 na makalalabag sa karapatang pantao at karapatan sa pagpapahayag.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,016 total views

 107,016 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 114,791 total views

 114,791 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 122,971 total views

 122,971 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 137,961 total views

 137,961 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 141,904 total views

 141,904 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 391 total views

 391 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 25,636 total views

 25,636 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 26,314 total views

 26,314 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top