Kawani ng Basilica del Sto.Nino de Cebu, nasa mabuting kalagayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

June 8, 2020, 2:43PM

Tiniyak ng pamunuan ng Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu na malusog at nasa mabuting kalagayan ang mga pari at kawani ng Basilica sa nakakahawang corona virus disease.

Ayon kay Rev. Fr. Aladdin Luzon, OSA, safety and security in-charge ng Basilica, nanatiling sarado sa publiko ang tanyag na simbahan upang bigyang daan ang quarantine period sa mga namamahala nito matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang kawani.

“At least walang positive sa mga pari; they are still healthy since the quarantine up until now,” pahayag ni Fr. Luzon sa Radio Veritas.

Ibinahagi rin ng pari na tinutulungan ng Basilica ang suspected COVID 19 patient upang mapagtagumpayan nito ang sakit.

Inihayag ni Father Luzon na nagkaroon ng lagnat at ubo ang nasabing kawani matapos bumili ng mga pagkain sa palengke.

Una nang inilagay sa hiwalay na silid ang dalawang kawani ng Basilica na itinuturing na primary contact ng biktima habang nasa isolation naman ang pitong iba pang nakasalamuha nito.

Matatandaang ika – 30 ng Mayo ng isinara sa publiko ang basilica para sa kaligtasan ng mga debotong nagtutungo sa lugar upang makapag-alay ng mga panalangin.

Sinabi ni Fr. Luzon sa Radio Veritas na isasailalim sa panibagong swab test ang mga kawani upang matiyak ang kalagayan at mabigyan ng agarang lunas ang magtataglay ng virus.

“This week may repeat swab test sila,” saad ni Fr. Luzon.

Patuloy namang nagpapasalamat ang pari sa mga mananampalataya lalo na sa mga deboto na nag-alala rin sa kanilang kalagayan lalo’t isa ang Cebu City sa may pinakamataas na kasong naitala sa 2, 756.

Hiling din ng mga Agustinong pari ang patuloy na panalangin para sa kaligtasan ng buong mundo mula sa pandemic corona virus na bumibiktima sa higit anim na milyong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 75,323 total reads

 75,323 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 170,263 total reads

 170,263 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 214,531 total reads

 214,531 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 237,640 total reads

 237,640 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 309,388 total reads

 309,388 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top