Pangunahan ang pagpapalaganap ng pananampalataya, panawagan ng CBCP sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,502 total views

Nanawagan si CBCP-Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis Chairman San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mga mananampalataya at kabataan na pangunahan ang pagpapalaganap ng pananampalataya sa lipunan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa mga kabataan sa pagdaraos sa tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization dito s University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillion.

Ayon sa Obispo, ito ay dahil sa pagiging tagapagmana ng mga kabataan sa kinabukasan kung kayat sa tulong ng kanilang maagang pagpapalaganap ay maipagpatuloy ang malalim na pananampalataya sa Pilipinas at buong mundo.

“Dahil dito sikapin na maging ‘Misyonero’ sa bawat kabataan, lalo’t higit sa mga dumaranas ng hirap, dumaranas ng pagsubok, dumaranas ng kalungkutan, kaya’t sa pagdiriwang na ito, hingiin namin ang inyong pananalangin sa matagumpay na pagdiriwang ng tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization, tayo nawa, lahat ng mga kabataan ay inaanyayahan ko rin na sikaping isabuhay ang Mabuting Balita at ang tungkuling maging ‘Misyonero sa Kapwa,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Presto.

Ayon pa sa Obispo, sa pamamagitan ng pagtutulungan bilang nag-iisang simbahan ay tiyak na mapapalaganap ang pananampalataya sa lipunan upang higit na makilala ng marami ang Diyos at Panginoong Hesukristo.

Inihayag ni Bishop Presto na higit ding naisasabuhay ang Synodal journey kung sama samang naglalakbay ang mga mananampalataya bilang nag-iisang simbahan at higit na naisasabuhay ang tema ng Jubile Year ngayong taon na Pilgrims of Hope.

“Mga minamahal na mga kapatid sa pananampalataya, ngayon ay ipinagdiriwang natin ngayon ang ikalabing isang pagdiriwang ng PCNE – Philippine Conference on New Evangelization dito sa UNiversity of Santo Tomas, at dito ay naglalayon na ang mga participants ay maging mga misyonero, mga evangelizers, ipahayag ang Mabuting Balita at ang simbahang Sinodal, lalo’t higit sa mga kabataan, kayo ang pag-asa ng ating Simbahan – ay maipagpatuloy ang diwa ng PCNE o ng Synodal Church,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Presto.

Ngayong taon, sa pangangasiwa ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of New Evangelization sa PCNE 11 ay muli itong ipinagdiriwang sa University of Santo Tomas sa temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 147,862 total views

 147,862 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 169,972 total views

 169,972 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 243,074 total views

 243,074 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 235,244 total views

 235,244 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top