Panindigan ang pangangalaga sa kalikasan, hamon sa Duterte administration.

SHARE THE TRUTH

 245 total views

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang kasalukuyang administrasyon na panindigan ang pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa Obispo, dapat din tuparin ng Pilipinas ang naunang pangako nito sa isinagawa noong nakaraang taon sa Conference of Parties sa Paris.

“Sana panindigan ng ating pamahalaan ang pinirmahan natin, ang ating ipinangako duon sa Paris Covenant na ginawa noong nakaraang taon, nagbigay po tayo ng ating pangako na babawasan ang ating cabon emission at ang isa pong malaki na nagbibigay ng carbon emission ay ang pagmimina, pagkasira ng ating kalikasan. Kaya sana panindigan ng ating kasalukuyang pamahalaan, ang ating ipinangako at maghanap pa ng ibang pamamaraan upang mapangalagaan ang kalikasan natin.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Ang United Nations Conference on Climate Change o COP 21 na isinagawa noong November 30 hanggang December 12, 2015 ay nagkaroon ng kasunduang pabababain ang carbon emissions sa bawat bansang lalagda dito.

Lumagda ang noo’y si Pangulong Benigno Aquino III sa kasunduang pabababain ang 70% carbon emission ng Pilipinas bilang ambag sa International Community.

Kamakailan naman ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito maaaring sundin ang kasunduan sa COP 21, dahil aniya, lalong babagal ang pag-unlad ng Pilipinas kung patuloy na magkakaroon ng power shortage ang bansa.

Gayunman bukas ang kayang liderato at ang Department of Environment and Natural Resources na humanap ng mga paraan na makabubuti sa pag-unlad ng bansa habang hindi nasasakripisyo ang kalikasan.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong laudato si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,573 total views

 21,573 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,986 total views

 38,986 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,630 total views

 53,630 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,472 total views

 67,472 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,550 total views

 80,550 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top