Para kanino ang Dutertenomics?

SHARE THE TRUTH

 388 total views

Mga Kapanalig, nitong nakaraang linggo ay may bagong salitang naging bukambibig ang mga taong nakatutok sa ating ekonomiya. Sa isang malaking pagpupulong ng mga nangangasiwa ng ating pambansang ekonomiya at mga namumuhunan mula sa pribadong sektor, ipinaliwanag muli ang mga estratehiya at planong pang-ekonomiya ng administrasyong Duterte.  Binansagan ang mga itong “Dutertenomics.”

Bagama’t hindi talaga bago ang nilalaman nito, minabuti marahil ng administrasyon na bigyang-diin ang isang bahagi ng “Dutertenomics” na sa tingin nila’y makakukuha ng malawak na suporta ng maraming sektor. Ito ay tungkol sa mga plano ng pagtatayo ng marami at makabagong imprastruktura. Sa loob ng anim na taong panunungkulan ni Pangulong Duterte, handang maglaan at gumastos ang gobyerno ng mahigit sa anim na trilyong piso upang pahusayin at gawing moderno ang ating mga kalsada, tulay, tren, paliparan at daungan; mayroon pa ngang planong subway. Ang anim na taon daw na ito ay magiging “Golden Age of Infrastructure.” Sabi ng gobyerno, kapag maayos ang mga imprastrukturang ito, pupunta sa Pilipinas ang mga mamumuhunan at lilikha ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.  Kapag marami ang may hanapbuhay, uunlad ang kabuhayan ng mga tao.

Maganda at tama naman ang nais gawin ng Dutertenomics.  Ngunit tulad ng mga nauna nang mga planong pang-ekonomiya ng ibang mga administrasyon, hindi natin maiwasang itanong: nasaan ang mga mahihirap sa mga planong ito? Maisasama rin kaya sila sa pag-unlad na sinasabi? Kasama ba sila sa mga makikinabang sa mga ipatatayong imprastruktura?  Kasama ba sila sa mabibigyan ng hanapbuhay?

Lagi tayong pinaaalalahanan ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang anumang gawaing pang-ekonomiya at anumang pang-materyal na kaunlaran ay dapat naglilingkod sa kagalingan ng tao.  Higit pa rito, ang ating paggamit sa mga materyal na bagay at yaman na bunga ng mga gawaing pang-ekonomiya ay dapat nakatuon sa pangangailangan ng mga nagugutom, ng mga walang disenteng bahay, mga hindi nakatatanggap ng serbisyong pangkalusugan, sa maikling salita, ang mga napag-iiwanan.

Mga Kapanalig, suriin nating mabuti ang ilang implikasyon ng Dutertenomics ayon sa mga pamantayang ito. Unang-una, anong mga imprastruktura ba ang kailangan ng mga maghihirap at napag-iiwanan?  Hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay nasa kanayunan?  Hindi kaya mas kailangan nila ay malinis na tubig at palikuran, maayos na irigasyon, mga paaralang malapit sa kanilang mga barangay, mga bahay na hindi madaling masira ng bagyo, at mga tulay at kalsadang maglalapit sa mga produkto nila sa mga pamilihan?  Oo nga’t matindi na ang problema sa transportasyon sa Kamaynilaan, ngunit ‘di hamak na mas marami ang mahihirap sa ating mga kanayunan.

Ikalawa, anu-anong mga trabaho kaya ang malilikha ng pagtatayo ng imprastruktura at ng mga bagong mamumuhunan sa ating bansa? Hindi kaya mga trabahong para sa mga naninirahan sa kalunsuran at may mataas na napag-aralan? Paano ang mga nananatili sa mga probinsiyang higit na nangangailangan ng mapagkakakitaan? Anu-anong mga trabaho ang maari nilang asahan sa mga liblib na lugar nila?

Ikatlo, paano tutustusan ang mga mamahaling mga proyektong ito? Ayon sa mga “economic managers” manggagaling ang panustos mula sa mga buwis na dapat bayaran ng mga Pilipino at malaking bahagi ay manggagaling sa utang mula sa ibang bansa at mga pribadong mga bangkong nagpapautang. Ang utang ay siyempre binabayaran.  Samakatuwid, papasanin ang pagbabayad ng utang na ito ng mga susunod na henersayon, tulad nang binabayaran nating utang magpahanggang ngayon sa mga inutang ng rehimeng Marcos para sa mga imprastruktura.

Muli, mga Kapanalig, kapag tinimbang-timbang natin ang benepisyo at perwisyo ng mga iniisip gawin ng Dutertenomics, huwag lamang ang kapakanan ng mga nakaaangat na sa buhay ang ating isipin. Iangat natin ang mga higit na nangangailangan, ang mga nasa laylayan, mga napag-iwanan nang matagal na panahon, ang mga maralita at mahihina.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,802 total views

 14,802 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,322 total views

 32,322 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,898 total views

 85,898 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,135 total views

 103,135 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,624 total views

 117,624 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,154 total views

 22,154 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,803 total views

 14,803 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,323 total views

 32,323 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,899 total views

 85,899 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,136 total views

 103,136 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,625 total views

 117,625 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 117,685 total views

 117,685 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 114,403 total views

 114,403 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 114,024 total views

 114,024 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

FEAR- MONGERING

 108,169 total views

 108,169 total views “Fear-mongering”… Walang kabuluhang aksyon, propaganda, pananamantala,.. layuning magdulot ng pangamba at takot upang maimpluwensiyahan ang opinyon at gawi ng mamamayan. Kawawang manggagawa., Kapanalig,

Read More »

THE PARTISAN 18

 104,053 total views

 104,053 total views Sa Pilipinas, patuloy na nanaig ang “partisan politics”. Ito ang nagpapatakbo, nagtitimon, nagtatakda sa direksyon, mga polisiya, mga batas..sa kinabukasan ng bansa. Maihahalintulad

Read More »
Scroll to Top