292 total views
Nilinaw ni Imus Bishop Rey Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs na hindi Romano Katolikong pari ang nahuli sa buy bust operation sa Bacoor,Cavite.
Tiniyak ni Bishop Evangelista na walang Pari ang Diocese of Imus sa pangalang Richard Alcantara na dinakip ng mga pulis sa drug operations.
Audio clip:
“Gusto ko lamang liwanagin sa lahat ng tagapakinig ng Radio Veritas na ang sinasabing pari na nahuli sa buy bust operations sa Bacoor, Cavite ay hindi Paring Romano Katoliko ng Diocese of Imus. Wala pong pari ang Diocese ng Imus na ang pangalan ay Richard Alcantara. Sana po ay huwag tayong basta maniwala sa balitang lumalabas, dapat nating alamin ang tunay na pagkatao ng ating mga binabalita at iwasan nating magbigay ng mga impormasyon na hindi naman tayo sigurado. Ganun din din po pinag-iingat ang lahat na sana tayo ay sumunod sa batas at iwasan na ang mga droga at kung anupaman na mga nakakasama sa ating lipunan. Marami pong salamat sa pakikinig”. Bishop Rey Evangelista.
Voice of Bishop Evangelista.
Nananawagan si Bishop Evangelista sa mamamayan na huwag basta maniwala sa mga lumalabas na balita.
Hinimok ng Obispo ang media at mga otoridad na alamin ang tunay na pagkatao ng ibinabalita.