Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parish Priest ng pinasabog na Jolo Cathedral, umaapela ng panalangin

SHARE THE TRUTH

 410 total views

Tiniyak ng Parish Priest ng Jolo Cathedral o Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu ang pagbibigay katarungan para sa mga biktima ng pagsabog sa Simbahan habang naganap ang banal na misa.

Ayon kay Rev. Fr. Jefferson C. Nadua, OMI dapat na mabigyang ng katarungan ang sinapit ng mga inosenteng biktima ng karahasan sa loob mismo ng cathedral.

Ipinapanalangin rin ng Pari ang kaligtasan ng lahat ng mga mananampalataya sa lalawigan kasunod ng naganap na pagsabog.

Umaapela rin ng panalangin si Fr. Nadua hindi lamang para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan kundi maging para sa pagkamit ng katarungan at pagpapanagot sa mga nasa likod ng pagpapasabog sa loob ng Simbahan.

“Medyo magulo pa ang utak ko ngayon, pero we pray for safety of those who are wounded and we pray for na sana walang casualties sa mga parishioners natin na nandoon then we’ll see to it to bring justice doon sa nangyari sa kanila, so far yun lang muna dahil medyo magulo pa.. Pray for us…” pahayag ni Father sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa inisyal na mga impormasyon, dalawang pagsabog ang naganap sa Jolo Cathedral pasado alas-otso ng umaga sa kasagsagan ng Banal na Misa.

Ayon sa Philippine National Police – ARMM, naganap ang dalawang pagsabog sa entrance at sa loob mismo ng Simbahan kung saan batay sa pinakahuling tala umabot na sa 21 ang nasawi sa naganap na pagsabog habang nasa mahigit 70 naman ang sugatan.

Ayon sa Catholic Directory of the Philippines may aabot sa 29,500 ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Apostolic Vicariate of Jolo mula sa mahigit 1.7-milyong kabuuang populasyon sa lugar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,908 total views

 42,908 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,389 total views

 80,389 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,384 total views

 112,384 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,123 total views

 157,123 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,069 total views

 180,069 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,324 total views

 7,324 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,912 total views

 17,912 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,326 total views

 7,326 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,352 total views

 61,352 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,940 total views

 38,940 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,879 total views

 45,879 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top