Incorupt heart relic ni St.Camillus, darating sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

Darating sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon ang Incorrupt Heart Relic ni Saint Camillus de Lellis na kilalang Patron ng mga may sakit at founder ng Order of Clerks Regular Ministers to the Sick.

Ayon kay Rev. Fr. Jose Eloja – Provincial Superior ng Camillians Philippines, isang pambihirang biyaya para sa bansa ang muling pagbisita ng hindi naaagnas na puso ni St. Camillus na hindi lamang patron ng mga may sakit kundi maging ng mga nurses, doctor at mga ospital sa bansa.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pagbisita sa ikalawang pagkakataon ng Incorrupt Heart Relic ni Saint Camillus de Lellis ay isang magandang opurtunidad upang muling mapatatag ang pananampalataya sa Panginoon.

“Isang malaking prebelehiyo sa atin na muli bibisitahin tayo ng puso ni St. Camillus ang Patron ng mga may sakit, mga nurses, mga doctors at mga ospital at muli makakasalamuha natin si St. Camillus na siyang naging instrumento din ng Panginoon upang paglingkuran at mahalin ang mga may sakit lalong lalo na at ang pagdating ng pusong ito ay muling pagpapaalala sa ating ng pagmamahal ng Panginoon sa atin lalo na sa mga may sakit at ang debosyon natin kay St. Camillus ay mapapatatag pa natin at makakatulong ito sa ating relasyon sa ating Panginoon…” pahayag ni Rev. Fr. Jose Eloja – Provincial Superior ng Camillians Philippines sa panayam sa Radyo Veritas.

Magtatagal ng halos 2 buwan ang 404 na taong hindi naaagnas na puso ng Santo sa Pilipinas na inaasahang magtutungo sa iba’t-ibang mga Simbahan at ospital sa mahigit na 19 na mga diyosesis sa buong bansa.

Nakatakda sa ika-2 ng Pebrero ang pagdating ng Incorrupt Heart Relic ni Saint Camillus sa bansa kung saan mula sa Villamor airbase sa Pasay City ay dadalhin ito sa Our Lady of La Paz Parish sa Makati City hanggang sa ika-4 ng Pebrero.

Pagkatapos ay dadalhin ang relic sa iba’t-ibang mga ospital at Simbahan sa buong bansa hanggang ika-31 ng Marso bago ito muling bumalik sa Roma.

Kabilang sa mga pangunahing ospital kung saan dadalhin ang Incorrupt Heart Relic ni St. Camillus sa Metro Manila ay ang Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Kidney Institute at East Avenue Medical Center.

Anim na taon na ang nakalipas nang unang naganap ang Journey of the Heart ni St. Camillus sa Pilipinas noong February 18, 2013 hanggang March 10, 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,586 total views

 19,586 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,591 total views

 47,591 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 65,391 total views

 65,391 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,574 total views

 64,574 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,611 total views

 175,611 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top