Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 248 total views

Homiliya Para sa Misang Salubong

9 Abril 2023, Juan 20:1-9

Ang Salubong ay pagsasaritwal ng ating pakikitagpo kay Hesus ng Nazareth bilang Kristo, ang hinirang na Manunubos at Anak ng Diyos. Simulan natin ang pagsisikap nating maunawaan ang kahulugan ng pagsalubong sa tanong: ano ang kabaligtaran nito?

Sa buhay natin kung mayroon tayong sinasalubong, meron din tayong tinatakbuhan. Iyun ang kabaligtaran nito. Sino ang mga tipong imbes na salubungin ay pinagtataguan o iniiwasan natin?

1) yung naniningil ng utang,

2) yung kagalit natin

3) yung humihingi na ayaw mong bigyan

4) yung mga multo pinagtataguan din iyan, at

5) yung mga taong laging problema ang dala, sakit ng ulo o basag-ulo.

Simulan natin sa naniningil ng utang. Sa totoo lang hindi naman lahat ng may utang nagtatago sa naniningil. Iyun lang walang pambayad. At ang utang hindi lang pera, kung minsan utang na loob.

Pangalawa, yung kagalit natin. Minsan kung din man natin maiwasan, dinededma na lang natin. Yung para bang wala kang nakikita kasi nga ayaw mo siyang makita.

Pangatlo, minsan iniiwasan natin yung may hinihingi sa atin. Di ba kaya kumakatok sa may pintuan ng mga sasakyan ang mga pulubi ay dahil kahit nakita na sila ang hinihingan ay lumilingon sa kabila? Lalo na kung nangungulit pa na parang karapatan nila ang hinihingi nila o paulit-ulit ang paghingi. Kung wala nga namang alam ang tao kundi humingi pero wala namang ibinibigay kahit ano, pagtataguan mo talaga.

Pang-apat, yung nagmumulto. Minsan hindi naman literal na multo ang tinatakbuhan natin. Pwede rin tayong multuhin ng kahapon. Mga atraso ng nakaraan, mga inagrabyado natin, niloko o biniktima (parang related din ito sa utang). Pwede ring ang nagmumulto ay traumatic experience na pilit bumabalik-balik sa alaala, di malimot-limot. Di mo maibaon; parang laging nagpapakita.

Pang-lima, iniiwasan din yung mga taong laging problema ang dala, sakit ng ulo o basag-ulo. Ang madalas kong marinig na katwiran ay, “Ba’t ko ba siya sasalubungin, ayoko ngang magpa-stress?” Noong unang panahon daw, ang mga nagdadala ng masamang balita pinapatay. Ang lupit ano?

Bakit excited tayong sumalubong kay Kristo? Iugnay natin sa limang puntong binanggit natin. Una, kasi si Kristo ang tipong imbes na maningil ng utang, di lang nagpapatawad, nagbibigay pa ng pantubos, pati buhay niya. Hindi ka ba sasalubong sa ganyan?

Pangalawa, siya yung tipong iwasan mo man ay hindi iiwas sa iyo. Hindi kasi siya nagtatanim ng galit.

Masarap salubungin dahil kapag humingi sa iyo, habang nagbibigay ka mas lalo ka niyang pinayayaman. Hindi lang siya nagpapatrabaho; tumatrabaho siya mismo at parang walang kapaguran—kahit gaano kabigat, sa kanya parang magaan. Nakakaakit makitrabaho sa ganyan. Trabahong may kasamang ngiti, hindi simangot.

Nagpapalakas siya ng loob. Kaya imbes na takbuhan siya sinasalubong siya. Hindi nga kasi siya multo; buhay siya at nabuhay para buhayin din tayo at turuang bumuhay sa kapwa. Tinuturuan niya tayong humarap, magpakumbaba, makipagkasundo. Siya ay parang duktor; kahit alam mong ooperahan ka niya hindi mo siya tatakbuhan dahil alam mong gagamutin ka niya. Ibig niyang gumaling ka.

Higit sa lahat, mabuting balita ang dala niya at Kapayapaan ang unang bati niya. Nasugatan na rin siya pero peklat na lang ang naiwan, hindi tinatandaan ang sakit. Para siyang batang nainiksyunan at magsasabi sa kapwa bata, “Parang kagat lang ng langgam. Ba’t ka matatakot?”

Masarap sumalubong lalo na kung may pasalubong. At ang pasalubong niya sa atin ay ang Espiritu Santo. Nananatili.

Ang tunay na nagpapasaya sa pagtanggap ng pasalubong ay ang damdamin na mahalaga ka sa taong dumarating. Di ba ganyan sa pinasalubungan, yun lang naalala ka niyang ipagbalot o pasalubungan ay sapat na. Nakatataba ng puso di ba?

Kung 40 araw ang Kuwaresma, 50 araw ang Pagkabuhay. Ang pinaka-rurok nito ay Pentekostes, ang pagbaba ng Espiritung kanyang pasalubong. Simula pa lang ang araw na ito. May dala siyang panababik. Tinatawag niya ang mga nagtatago para lumabas; ang mga natatakot pinalakakas niya ng loob. Inaalis niya ang belo ng pagluluksa.

Alam kong kaya kayo dumagsa dito ay upang idalangin na tayo rin ay maalisan ng mga belong itim? Kay Mama Mary, nakikita natin ang ating sarili na kung minsan ay nadidiliman din ng mga problema at pagsubok na mabibigat. Alam natin dumarating siya sa buhay natin upang pahirin ang ating luha, upang sikatan tayo ng kanyang liwanag matapos ang mahabang gabi ng kadiliman, upang sabihin sa ating kapag parang ibig na nating bumigay o sumuko na hindi pa tapos ang lahat; may bukas pang darating at ang bukas na iyon ay ngayon.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 11,747 total views

 11,747 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 62,310 total views

 62,310 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 10,759 total views

 10,759 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 67,491 total views

 67,491 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 47,686 total views

 47,686 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 219 total views

 219 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 219 total views

 219 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 220 total views

 220 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 218 total views

 218 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 1,090 total views

 1,090 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,292 total views

 3,292 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,326 total views

 3,326 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,679 total views

 4,679 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,776 total views

 5,776 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 9,998 total views

 9,998 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,722 total views

 5,722 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 7,092 total views

 7,092 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,353 total views

 7,353 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 16,046 total views

 16,046 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,757 total views

 8,757 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top