Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Mga Kapanalig, dahil sa komposisyon ng Senado sa ilalim ng bagong administrasyon, may mga nagsasabing naging pasikatan na lang ng mga kilalang tao ang pagboto ng mga gagawa ng mga batas ng bayan. Sa labindalawang nanalo sa pagkasenador sa katatapos pa lang na halalan, talaga namang napakalaki ng nakuhang boto ng mga kilalang personalidad sa showbiz at telebisyon. Pinili rin ng mas nakararaming botante ang mga kandidatong anak o kapatid ng mga nakaupong senador. May mga reelectionists na kilalang-kilala ng mga tao at muling ibinoto. Ilang dekada na rin naging pugad, ‘ika nga, ng mga artista, personalidad sa TV, at magkakamag-anak ang senado.

Hindi madali ang trabaho ng mga senador. Sabi nga ng political scientist na si Propesor Julio Teehankee sa isang panayam, ang Senado ay kinabibilangan noon ng mga tinatawag na “best and brightest”—mga pinakamahuhusay at pinakamagagaling. Sila kasi ang sumusulat ng mga panukalang batas. Ipagtatanggol pa nila ang mga ito sa mga pagdinig upang makuha ang suporta ng kanilang mga kasamahan. May kapangyarihan din silang mag-imbestiga bilang tulong sa paggawa ng mga batas (o ang lagi nating naririnig na “in aid of legislation”). Kasama sila ng mga kongresista sa pagbubuo ng badyet upang pondohan ang mga gagawin ng pamahalaan.

Bilang isa sa mga bumubuo ng ating lehislatura, ang Senado ay katuwang ng Mababang Kapulungan sa pagbabantay sa iba pang sangay ng gobyerno—ang ehekutibo (na nagpapatupad ng mga batas) at ang hudikatura (na naglilinaw sa mga batas at nagpapataw ng kaparusahan sa mga lumalabag dito). May kapangyarihan ang Senado na ipawalambisa ang pag-veto ng pangulo sa mga panukalang batas. Ang mga senador din ang nagkukumpirma sa mga appointees ng pangulo. Maaari din nilang litisin at patalsikin ang pangulo at mga hukom ng Korte Suprema sa pamamagitan ng impeachment. Hindi talaga biro ang trabaho ng mga senador.

Ngunit iba na yata ang batayan ng ating mga kababayan sa pagpili ng mga senador. Kung sabagay, nakasaad naman sa ating Saligang Batas na sinuman ay maaaring tumakbo sa pagkasenador basta’t sila ay ipinanganak sa Pilipinas, 35 taóng gulang pataas sa araw ng eleksyon, nakapagbabasá at nakapagsusulat, rehistradong botante, at residente ng Pilipinas nang may dalawang taon bago ang eleksyon. Mahalaga rin namang may mabuting puso (kung totoo man) ang ating mga senador, pero hindi naman siguro masama kung pipili tayo ng mga may talas ng isip upang talakayin ang mga isyu ng bayan at lakipan ang mga ito ng mga batas at patakaran.

O baka naman hindi talaga lubos na nauunawaan ng mga Pilipino ang trabaho ng mga senador? Kung totoo ito, nakalulungkot at nakababahala ito.

Sa ngayon, hindi na marahil makatutulong ang patuloy na pangungutya sa kwalipikasyon ng mga nanalong senador ng bayan. Ang pagtuunan natin ng pansin ay ang pagbabantay sa kanilang mga gagawin sa loob—at kahit sa labas—ng Senado. Nawa’y sa pamamagitan ng mga panukalang batas na kanilang isusulong, kanilang “[maipahahayag] nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at [maigagawad] ang katarungan sa mga api at mahirap,” gaya ng nasasaad sa Mga Kawikaan 31:9. Sabi pa nga sa Catholic social teaching na Deus Caritas Est, ang pulitika ay hindi lamang tungkol sa pagtutukoy sa mga tuntunin ng pampublikong buhay kung saan malaki ang ginagampanang papel ng mga senador. Ang pamahalaan—na kinabibilangan ng mga mambabatas—ay dapat nakatutok sa kung paano makakamit ang hustisya dito at ngayon.

Mga Kapanalig, kampante ka man o hindi sa komposisyon ng ating Senado, patuloy nating bantayan ang mga panukalang batas na isusulong nila at ang mga hakbang na gagawin ng mga senador upang bantayan ang iba pang sangay ng ating pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,254 total reads

 15,254 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,730 total reads

 96,730 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,179 total reads

 130,179 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,478 total reads

 165,478 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,500 total reads

 391,500 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 15,257 total reads

 15,257 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,733 total reads

 96,733 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,182 total reads

 130,182 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,481 total reads

 165,481 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top