Pasko, hindi isang commercial celebration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total views

Hindi isang ‘commercial celebration’ ang Araw ng Pasko.

Ito ang paalala ni incoming Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa maagang pagsisimula ng pagdiriwang ng pasko sa bansa tuwing sumasapit ang buwan ng Setyembre.

Ayon sa Obispo, hindi kailanman hinikayat o sinuportahan ng Simbahan ang maagang pagsisimula ng pasko sa bansa na taliwas sa Liturgical calendar ng Simbahang Katolika.

“Ewan kung saan nagmula ‘yung idea na ang pasko ay nagsisimula na basta dumapo na sa month na may ‘Ber’ – September, October, November, December – apat na buwan kang magpapasko. Talagang hindi siya tama and it has nothing to do with the Liturgical calendar of the Catholic Church. [Kahit kailanan] hindi nag-encourage ang Simbahang Katolika na simulan ang pagdiriwang ng pasko sa September dahil ang pasko, it’s not even the whole of December.” Ang bahagi ng pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, bago pa man ang pagdiriwang ng pasko tuwing buwan ng Disyembre ay may ginugunita pang panahon ng Adbiyento na apat na linggong paghahanda sa araw ng pagsilang ng Anak ng Diyos na si Hesus.

Pagbabahagi ni Bishop David, ang ‘commercialization’ ang maituturing na dahilan sa nakasanayang maagang pagsisimula ng pagdiriwang ng pasko sa bansa upang masulit o masamantala ng mga mamumuhunan ang pangungumersyo sa bawat isa.

Iginiit ng Obispo na hindi isang ‘commercial celebration’ ang Araw ng Pasko na nakasisira hindi lamang sa liturgical season ng Simbahan kundi sa tunay na kahulugan at mensaheng hatid ng Araw ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus upang isakatuparan ang pangakong kaligtasan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsisilbing tagapagligtas ng sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Strictly speaking tayo in December may adbiyento pa ‘yan diba tapos mamaya meron tayong nobenaryo in preparation for Christmas, pero sinisira mo yung liturgical season and the only reason for it is commercialization, huwag tayong bibigay sa pangungumersyo ng tao sa pasko, pinapasulit nila yung pangungumersyo nila ng pasko at hindi yun tama. Hindi isang commercial celebration ang pasko, ilagay natin sa tamang lugar parang wala na sa mga lugar ang mga bagay bagay.” Dagdag pa ng Obispo.

Ang apat na linggo sa panahon ng Adbiyento ay sumisimbolo sa panahon ng paghihintay ng mga Kristiyanong Katoliko sa kapanganakan ni Hesus na isang makahulugang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko o pagsilang ng Anak ng Diyos na may hatid na pag-asa, pag-ibig at kapayapaan sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 55,603 total views

 55,603 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 77,713 total views

 77,713 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 153,762 total views

 153,762 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 153,685 total views

 153,685 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top