Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus, ipinagdiwang sa pagkakawanggawa at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

April 13, 2020-2:19pm

Bagama’t walang marangyang pagdiriwang, naging abala ang simbahang katolika sa buong mundo sa paggunita sa kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa sama-samang pananalangin at pagtulong sa mamamayan ng bawat bansa sa naging epekto ng Novel Coronavirus.

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat kristyano na patuloy na maging tagapagbahagi ng Mabuting Balita sa kabila ng banta ng pandemya.

“Christ, my hope, is risen! A different ‘contagion’, one that is transmitted from heart to heart,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

“For many, this is an Easter of solitude, lived amid the sorrow and hardship that the pandemic is causing, from physical suffering to economic difficulties.”

Ito ang mensahe at pagninilay ni Pope Francis sa pagdiriwang Pasko ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Santo Papa, mahalagang maging tagapagpadaloy ng pag-asa at kalakasan sa kapwa sa gitna ng takot na hatid ng Covid-19.

Hinikayat rin ni Pope Francis ang bawat isa na buksan ang puso para sa pagkakawanggawa upang makapagbahagi lalu na sa mga mahihirap.

Sa Pilipinas, kasunod ng panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) inilunsad ng Caritas Manila ang Ligtas Covid-19 campaign habang ang Caritas Philippines naman ay pinasimulan ang Kindness Stations sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Ito ay bukod pa sa mga programa at inisyatibo ng bawat parokya sa may 86 na diyosesis sa buong Pilipinas.

Sa Europa, nagsindi ng kandila sa bawat bintana ng tahanan sa pangunguna ng Commission of the Bishops Conference of the European Union upang hingin ang tulong ng Panginoon sa pagpuksa ng nakahahawang sakit.

Labing-limang minutong pagpapatunog naman ng kampana ang isinagawa ng Bishops Conference of the Netherlands na isang hudyat para sa pakikiisa ng pananalangin.

Sa Italya, pinangunahan naman ng Community of SantEgidio ang pagbibigay ng pananghalian para sa mga dukha noong Easter Sunday.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,191 total reads

 1,191 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 6,227 total reads

 6,227 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 44,142 total reads

 44,142 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 270,413 total reads

 270,413 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,879 total reads

 163,879 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 257,595 total reads

 257,595 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,192 total reads

 1,192 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top