216 total views
Ang Pasko ay panahon ng pagmamalasakit na dapat nating isabuhay araw – araw.
Ito ang naging pahayag ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa lalo na ang pagsasabuhay ng pagkakawang – gawa sa kapwa.
Hinimok rin ni Bishop Ongtioco ang mga mananampalataya na magpadama ng konkretong gawain ngayong Pasko lalo na ang pag – ibig ng Diyos sa mga dukha, ulila, inaapi at mga nakararanas ng karahanasan.
Panawagan pa ng obispo na maisabuhay nawa ang tunay na diwa ng Pasko hindi lamang tuwing sasapit ang December 25 kundi ang pagiging buhay na Kristo sa kapwa – tao.
“Tuwang – tuwa ako kapag lumalapit ang Pasko parang natutoto tayo sa ating hinihintay. Ano ang ating natutuhan? Jesus gives himself yung pagka – Diyos niya ay kanyang hinubad para makiisa sa ating pagkatao para tayo ay maging maka – Diyos. Nakikita ko iyong pag – ibig parang konkreto yung pagmamalasakit kapag pasko, gift giving and then pagtulong sa mga dukha. Harinawa, ito’y hindi lamang kapag Christmas because Christmas is everyday, yung pagsunod, pagtulad kay Kristo hindi lang pag – Disyembre ngunit araw – araw,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.
Read:
http://www.veritas846.ph/pasko-simbolo-ng-pagdamay-sa-kapwa-cardinal-tagle/
http://www.veritas846.ph/ipagdiwang-ang-pasko-ng-payak/
Patuloy namang pinaalalahanan ng Simbahang Katolika ang halos 80 porsyentong Katoliko sa mahigit 100 milyong populasyon ng bansa na magtipid ngayong Pasko at paigtingin ang family at gospel values.(