173 total views
Nagpa – abot ng pasasalamat ang Caritas Manila sa suporta at donasyon na ipinagkaloob ng mga piling artista para sa kauna – unahang Caritas Manila Celebrity and Friends Bazaar na ginawa sa Glorietta 5, Makati City.
Ayon kay TOFIL o The Outstanding Filipino awardee at Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual, malaki ang naitulong ng mga segunda mana items na ipinagkaloob nina Kris Aquino, Vice Ganda, Drek Ramsey, Anne Curtis at marami pang iba upang matulungan ang limang libong Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP scholars ng social arm ng Archdiocese of Manila.
“Nagpapasalamat tayo sa mga artista tulad nina Kris Aquino, Vice Ganda, Derek Ramsay, at iba pa na nag – abuloy ng kanilang mga gamit kanilang mga pre – loved items para makatulong sa scholarship ng YSLEP ng Caritas Manila. There are more than a thousand donations here in Glorietta 5 at marami na pong nakabili at nagpapasalamat tayo sa mga artistang ito na naghandog ng kanilang yaman para sa mga mahihirap sa ating bayan,” pasasalamat ni Fr. Pacual sa panayam ng Radyo Veritas.
Inindorso rin ni Cristalle Belo-Pitt anak ni Dra. Vicki Belo ang ilang mga items na idinonate ng kanilang pamilya tulad ng Prada, Gucci, Channel at ilang mga laruan ni Scarlet Snow na mabibili rin sa naturang bazaar.
“Hi guys! I just wanted to invite you to come here at Glorietta 5 today and tomorrow. Marami po kaming on – sale kami ni mommy Dra. Belo madaming kaming na – donate and they are all high – end, mga Prada, Gucci, Channel. Don’t worry we really take care of our belongings it is in very good condition but it is very affordable prices. Nakakatuwa rin dahil si Scarlet Snow nag – donate rin siya ng mga toys niya. You can purchased all of that here in our celebrity bazaar here in Glorietta 5,” pahayag ni Belo sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, target ng naturang bazaar na makalikom ng P2 milyong piso upang maidagdag sa pondo na tutugunan sa scholarship program ng Simbahang Katolika.