Payak, pagtitipid at pananagutan, hamon ni Bishop Varquez sa kapwa obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,236 total views

Hinimok ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang mga kapwa pastol ng simbahan na panatilihin ang pagiging payak, pagtitipid, at pananagutan sa paggamit sa yaman ng Simbahan.

Sa kaniyang privilege speech sa 131st Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong January 25, binigyang-diin ng obispo ang pangangailangang maging huwaran ang mga obispo sa payak na pamumuhay at paggastos, lalo na sa mga pagtitipong isinasagawa sa iba’t ibang diyosesis.

“May it never be said that we have burdened our host dioceses financially or caused scandal by accepting lavish hospitality at the expense and inconvenience of the faithful,” ayon kay Bishop Varquez.

Aniya, mahalaga ang pagiging payak at matiwasay ng mga plenary assembly upang manatiling tapat ang mga pastol sa diwa ng kanilang bokasyon at misyon.

May our CBCP plenary assemblies—especially those hosted by dioceses—be marked by simplicity, frugality, and restraint,” dagdag ng obispo

Binigyang-diin din ni Bishop Varquez na kung paiiralin ang disiplina ay hindi mararamdaman ng mga host diocese ang ‘pressure’ at mas marami ang magiging bukas na mag-host ng mga susunod na pagtitipon ng CBCP.

Kasabay nito, nanawagan din si Bishop Varquez ng mas abot-kayang mga pagpupulong at pagtitipon na inihahanda ng mga komisyon ng CBCP upang mabigyang pagkakataong makalahok ang mga maliliit diyosesis at matiyak na mas mabigyang diin ang paglahok sa mga formation programs na makatutulong sa pagpapalago ng misyon sa simbahan.

I sincerely hope that these gatherings can be made accessible, so that even smaller and less-resourced dioceses may send participants and fully share in the life and work of the Conference,” ayon sa obispo.

Mariing itinanggi ni Bishop Varquez ang pananaw na humihina ang pagkakapatiran sa hanay ng mga obispo ng CBCP at iginiit ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng synodality maging sa mga kapwa obispo.

“Our journey of synodality calls us to walk together, to link arms, and to help one another with humility and generosity… Even a brother bishop, whether active or retired, is never a burden, for he is our brother,” giit ni Bishop Varquez.

Hinimok din ng obispo sa kanyang talumpati ang bawat diyosesis na mag-ambag ayon sa kakayahan upang masuportahan ang operasyon at misyon ng CBCP, bilang kongkretong pagpapahayag ng pagkakaisa at sama-samang pananagutan.

“When each local Church contributes according to its capacity—even in a small way—the result is a strong and concrete expression of solidarity and shared stewardship,” saad pa ni Bishop Varquez.

Muling isinulong ng obispo ang kanyang panukala na maglaan ang bawat ecclesiastical territory ng kahit maliit na porsiyento ng kanilang yaman para sa isang common fund na magpapatatag sa misyon ng kapulungan.

Hinikayat ni Bishop Varquez ang kanyang mga kapwa obispo na pagnilayan ang panawagan sa pamamagitan ng mga panalangin, pagkakaisa, at tiwala sa paggabay ng Panginoon sa kanilang sama-samang misyon bilang mga pastol ng mananampalatayang Pilipino.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,187 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,293 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 71,564 total views

 71,564 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 141,259 total views

 141,259 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 172,543 total views

 172,543 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 204,556 total views

 204,556 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 353,189 total views

 353,189 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top