Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PDU30 Performance scorecard, incomplete

SHARE THE TRUTH

 158 total views

Binigyan ng “incomplete na grado” ng iba’t-ibang sektor at grupo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taong pamumuno sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Promotions of Church People’s Response o P-C-P-R secretary general Nardy Sabino at Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs na marami pang hinihintay na pangakong pagbabago ang taong bayan na hindi pa natutupad ng pangulong Duterte.

MILITARIST

Sinabi ni Sabino na lumalakas din ang agam-agam ng taongbayan sa pagiging pasista o militarist ng pangulong Duterte at hindi rin nakitaan ng paninindigan para sa mamamayan.

Binigyan ng PCPR ang pangulong Duterte ng pinakamababang grado sa usapin ng human rights kung saan batay sa tala ng Amnesty International ay umaabot sa mahigit 3-libo ang kaso ng extra-judicial killings sa war on drugs ng gobyerno.

Pasado naman sa PCPR ang pakikipagdayalogo ng pangulong Duterte sa mga nagwi-welgang magsasaka at pagbibigay ng pabahay sa mga kasapi ng grupong KADAMAY.

FAILED

Iginiit naman ni Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani na bagama’t may puso sa mga mahihirap at mga sundalo, kulang ang naging pagpapatupad ng Pangulong Duterte sa kanyang pangako sa bayan.

Tinukoy ni Bishop Bacani ang kabiguan ng pangulong Duterte sa usapin ng agrarian reform, labor, foreign policy, traffic at peace and order. “Ang peace order natin, are we better off now? Really, and why do he have to declare martial law?”pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Sa grading 1-10, 5-ang grado ni Bishop Bacani kay Pangulong Duterte. “Why 5? Una his own personal example by his words, because he is to lift up the morale and morals of a nation. Ikalawa, sa foreign policy ay napakalabo, paurong-sulong.”paliwanag ni Bishop Bacani

Pinayuhan naman ni Bishop Bacani ang pangulong Duterte na baguhin ang pabalagbag na pagsasalita, igalang ang karapatang pantao at buhay ng tao.

Anim (6) ang grado ng pangulong Duterte kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Permanent Committee on Public Affairs.

Subalit nilinaw ng pari na ang grade ay hindi sumasalamin sa epekto ng mga nagawang programa ng pangulo dahil wala pa namang natatapos, marami pa ang hindi nasisimulan.

“We are actually grading the president because of the initiative that he has undertaken. But the grade does not reflect dun sa impact or effect ng mga initiatives na ginawa niya kasi wala pa. But at least, the government or President Duterte is doing something, hindi naman lahat ng ginawa niya ay masama, nandoon naman yung mga mabubuting proyekto na ginawa niya,” ayon kay Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit naman ni Kalikasan People’s Network for the Environment coordinator Clemente Bautista na may positibo at negatibong nagawa ang administrasyong Duterte para sa environment.

Ikinatuwa ng mga green groups ang aktibong paglaban ng Department of Environment and Natural Resources sa mga mapang-abusong mining companies ngunit naantala ng maalis sa puwesto si secretary Gina Lopez.

Ikinababahala ni Bautista ang patuloy na pag-iral ng impluwensya ng mga mayayamang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanilang salapi na naging sanhi ng tunggalian sa pagitan ng mga miyembro ng gabinete ng pangulong Duterte.

Pinuna naman ni Msgr. Jerry Bitoon, Head ng Ecology Ministry of the Diocese of San Pablo, sa Laguna ang pag-iral ng interes at pagpapapogi lamang ng Laguna Lake Development Authority kay pangulong Duterte kaugnay sa paglilinis at pag-alis ng mga fishpen at cages sa 90,000 hektaryang Laguna lake.

Gayunman umaasa pa rin ang Pari kaisa ang kanyang mga kababayan na muling bibigyang pansin ng Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address ang suliranin ng maliliit na mga mangingisdang umaasa sa lawa ng Laguna.

Pasado naman kay University of Asia and the Pacific Prof. Bernardo Villegas ang performance ng pangulong Duterte.

“85 is more than a passing grade. I won’t give him an over 90 because marami pang mga traffic problems, marami pa not to mention Marawi, etc. So there are still problems but I think the President is able to address them with political will.”pahayag ni Villegas

Sa palitan ng administrasyon noong 2016, naitala ang Gross Domestic Product o GDP growth sa 6.8-percent mas mataas sa 6.6-percent ng China, 6.5-porsiyento ng Vietnam, 5.1-porsiyento ng Indonesia at ilan pang mga bansa sa Asya.

Mababatid pa sa ulat ng World Bank’s Global Economic Prospects 2017 na pang-sampu ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nakapagtala ng mabilis na paglago ng ekonomiya kung saan inaasahang aakyat sa 6.5% hanggang 7.5% sa mga susunod na taon.

Sa kasalukuyan, inaabangan ng Simbahan ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga armadong rebelde, pagpapahalaga sa human rights, foreign policy, at pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng mga paliparan, pantalan at mass transport na makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Naniniwala naman ang simbahan na ang tunay na pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay masasalamin sa epekto nito sa mas nakakaraming mamamayan.

Sa kanyang TED Talk, ibinahagi ng Kanyang Kabanalan Francisco na kaakibat ng kapangyarihan ng isang pinuno ang mabigat na responsibilidad na pangalagaan ang kanyang nasasakupan ng may pagmamahal at pusong mapagkumbaba.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,865 total views

 3,865 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,838 total views

 9,838 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 15,593 total views

 15,593 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,856 total views

 22,856 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,841 total views

 30,841 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 67,294 total views

 67,294 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 42,996 total views

 42,996 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 42,080 total views

 42,080 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Latest News
Veritas Team

Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan

 15,341 total views

 15,341 total views July 5, 2020, 10:43AM Umaasa ang chairperson ng Church People-Workers’ Solidarity (CWS)  at CBCP NASSA/Caritas Philippines Vice Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maamyendahan at maipawalang bisa ang pagpapasa ng kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020 kung patuloy na mananawagan ang mamamayan sa pamahalaan. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Latest News
Veritas Team

Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

 15,317 total views

 15,317 total views June 16, 2020, 12:47PM Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

 15,327 total views

 15,327 total views June 4, 2020, 11:35AM Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Pabuya sa pagtuklas ng gamot: ‘Fabunan, vaccine,’ subukan muna

 15,394 total views

 15,394 total views Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pamahalaan na subukan ang Fabunan Antiviral Injection na pinaniniwalaang nakagagamot sa coronavirus disease. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng P10M para sa makadidiskubre ng gamot laban sa COVID-19. “Si President Duterte nag-aalok ng P10M para

Read More »
Latest News
Veritas Team

Kasong sedition laban sa mga matataas na opisyal ng CBCP, ibinasura ng DOJ

 15,221 total views

 15,221 total views Ibinasura ng Department of Justice ang kasong “conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, at obstruction of justice” laban sa tatlong Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga pari at Vice President Leni Robrero. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete ang D-O-J panel resolution na nagpapawalang sala

Read More »
Latest News
Veritas Team

Divorce: Hindi lang usapin ng kababaihan, kundi ng buong pamilya

 15,243 total views

 15,243 total views Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng divorce bill. Lalu na’t mas maraming mga suliranin ang Pilipinas na higit na dapat bigyang tuon. Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa minadaling pag-apruba

Read More »
Politics
Veritas Team

Radio Veritas, Grace Poe, no.1 sa Veritas Truth Survey

 14,880 total views

 14,880 total views Nangunguna sa Veritas Truth Survey si Senatorial candidate Grace Poe. Pumasok naman sa magic 12 ng Veritas Truth Survey sina: Isinagawa ang survey sa mga Katolikong botante mula sa iba’t-ibang parokya ng 86 Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.  

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 14,842 total views

 14,842 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko. Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 14,853 total views

 14,853 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi kailangan ang ML dahil sa top priority ng Administrasyong Duterte ay magkaroon ng peace and order sa bansa. Binigyan diin ng Obispo na napapanahon ng bumalik sa

Read More »
Politics
Veritas Team

VP Leni Robredo: One-on-One sa Veritasan Part 2

 14,850 total views

 14,850 total views DRUG REHAB HINDI PAGPATAY Ang simbahan ang magbibigay ng guidance sa community na eto yung mga mabubuting gawin. In fact, marami kaming mga engagement with the church halimbawa kabahagi kami ng koalisyon ng mga organisasyon na nagsusulong ng community rehabilitation ng mga drug addicts, ‘yun tamang paraan para i-convert hindi ‘yung pagpatay. Kabahagi

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 14,856 total views

 14,856 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug War campaign. Ito ayon kay dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa pagbubukas ng 17th Congress. “Hindi naman

Read More »
Politics
Veritas Team

CBCP, Tutol sa pag-aarmas ng mga Pari

 14,896 total views

 14,896 total views Naninindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP laban sa pag-aarmas ng mga Pari. Sa kabila ito nang magkasunod na pamamaril at pagpaslang sa Pari. Mariing tinututulan ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na bigyan ng armas ang mga Pari para sa kanilang kaligtasan. Iginiit ni Archbishop Valles na bilang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top