Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,586 total reads

Ang Mabuting Balita, 27 Pebrero 2024 – Mateo 23: 1-12

PERSONAL

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

————

Sa pagsasabuhay ng ating Pananampalataya, tayo ang mananagot sa ating mga pasya/kilos. Hindi natin maaaring sisihin ang mga namumuno ng ating Simbahan o mga pinunong layko kapag ang ating mga ikinikilos ay labag sa mga Utos ng Diyos. Gayundin, kung mayroong mga namumuno ng ating Simbahan o mga pinunong layko na kumikilos ng labag sa mga Utos ng Diyos, sila ang mananagot para dito. Sila rin, ay tatanggap ng paghatol ng Diyos.

Bagama’t tayong lahat ay bahagi ng Simbahan, ang Pamilya ng Diyos, ang paghatol na ating matatanggap para sa ating mga pasya/kilos ay PERSONAL. Ang mahabang pagsalaysay nito ay nasa ebanghelyo ni Mateo 25: 31-36. Sa huling paghahatol, hindi na mahalaga kung tayo ay tiningala ng mga tao o kung tayo ay nagkaroon ng mataas na katungkulan sa Simbahan. Ang mahalaga lamang ay kung gaano natin minahal ang mga nangangailangan.

Panginoong Jesus, Ikaw ang aming Tagapagturo, ang Mesiyas!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 3,005 total reads

 3,005 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 88,417 total reads

 88,417 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 152,259 total reads

 152,259 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 242,280 total reads

 242,280 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 325,178 total reads

 325,178 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PERSISTENCE

 12,514 total reads

 12,514 total reads Gospel Reading for November 14, 2026 – Luke 18: 1-8 PERSISTENCE Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to

Read More »

EMBRACE

 10,476 total reads

 10,476 total reads Gospel Reading for November 13, 2026 – Luke 17: 26-37 EMBRACE Jesus said to his disciples: “As it was in the days of

Read More »

OUR ONLY CHANCE

 8,674 total reads

 8,674 total reads Gospel Reading for November 12, 2026 – Luke 17: 20-25 OUR ONLY CHANCE Asked by the Pharisees when the Kingdom of God would

Read More »

DEEP SENSE OF GRATITUDE

 28,431 total reads

 28,431 total reads Gospel Reading for November 11, 2026 – Luke 17: 11-19 DEEP SENSE OF GRATITUDE As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled

Read More »
Scroll to Top