Bishop Gaa, magsasagawa ng pastoral visitation sa 74 na parokya ng Diocese of Novaliches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,299 total reads

Magsasagawa ng pastoral visitation si Novaliches Bishop Roberto Gaa sa mga parokya ng diyosesis.

Sa pastoral visit on the air ni Bishop Gaa sa Barangay Simbayanan program ng Radio Veritas, dalawang taon ang ilalaan ng Obispo para bisitahin ang 74 na mga parokya ng diyosesis.

Binigyang diin ng obispo ang kahalagahan ng pastoral visitation upang malaman ang kalagayan ng bawat komunidad.

“I really need to spend time para makinig, ito ay pagkakataong makinig ang bishop sa mga naglilingkod sa mga parokya,” ayon kay Bishop Gaa.

Mananatili si Bishop Gaa sa mga parokya mula Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng gabi kung saan kabilang sa mga gawain ang pakikipagpulong sa Parish Pastoral Council, Finance Council, iba’t ibang ministries at organizations ng parokya, mga eskwelahan, mga opisyal ng barangay at maging home owners association sa mga nasasakupang pamayanan.

Bukod pa rito ang pagbisita sa mga munting pamayanan o basic eclessial communities at sa mga kapilya.

Napansin din ni Bishop Gaa ang kakulangan ng mga pari upang gampanan ang mga gawaing pastoral at pagpapastol sa mahigit dalawang milyong kawan kaya’t paiigtingin ng diyosesis ang vocation campaign.

“Sabi ko sa vocation director, let’s push na sana magkaroon ng isang bokasyon bawat parokya, para ma-sustain at may papalit sa mga pari kapag tumanda,” giit ni Bishop Gaa.

Pagbabahagi ng obispo 57 taong gulang ang average age ng mga pari ng diyosesis kung saan ilang taon na lamang upang maabot ang retirement age.
Sisikapin ni Bishop Gaa ang pagsasagawa ng pastoral visit sa bawat termino upang matiyak ang ugnayan ng diyosesis sa mga parokya.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,748 total reads

 2,748 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,586 total reads

 54,586 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,952 total reads

 139,952 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,688 total reads

 186,688 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,560 total reads

 234,560 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,915 total reads

 335,915 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top