Piliin ang mga kandidatong may tatlong H

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total reads

Tandaan ang mga pulitikong tiwali, nagnakaw sa kaban ng bayan at sinungaling.

Ito ang panawagan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga botante maging ang mga botante sa ibayong dagat.

“Remember those who steal, rob and plunder are not honest. Those who make politics as family business is not hardworking. Those who enrich themselves is not helpful,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People.

Panawagan din ni Bishop Santos sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na piliin ang mga kandidatong tapat, masipag, at makakatulong sa bansa na tulad rin ng mga Filipino na handang magsakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Our beloved OFWs, you are honest, hardworking and helpful. Use your right to vote, vote whom like you: 3H, honest hardworking and helpful,” ayon pa sa Obispo.

Sa tala ng Commission on Elections, may 60 milyon ang bilang ng mga registered voters kabilang na dito ang 1.8 milyong OFW na makikibahagi sa midterm elections ngayong taon.

Sa katatapos lang na ‘Walk For Life’, inanyayahan ni Bishop Broderick Pabillo ang mga nakiisa na gawing pamantayan sa pagboto ang pagpili sa mga kandidatong may paggalang sa buhay at dignidad ng bawat mamamayan.

Una na ring hinihikayat ng Santo Papa Francisco ang lahat na ipagtanggol ang buhay dahil ito ay isang dakilang biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ang Pilipinas mula sa 86 na milyong populasyon ng mga katoliko ay binuo ng 99 na porsiyento ng mga binyagan o mga layko.

Sa panlipunang turo, ang simbahan bawat layko o mga binyagan ay tinatawagan na isabuhay ang turo ng Diyos sa lipunang kanilang kinaaaniban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,467 total reads

 45,467 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,336 total reads

 95,336 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,207 total reads

 143,207 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,156 total reads

 247,156 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,954 total reads

 330,954 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top