OFW sa Morocco, inihahanda sa pagbisita ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total views

Hinimok ng pinunong pastol ng Archdiocese ng Rabat sa Morocco ang mga Filipino sa lugar na ipagpatuloy ang pagsasabuhay sa pananampalatayang Katoliko sa kanilang mga trabaho at sa pakikitungo sa mga mamamayan sa Morocco.

Ayon kay Archbishop Cristobal Lopez Romero, bagamat maliit ang populasyon ng mga Filipino sa nasabing bansa ay buhay na buhay ang kanilang pananampalataya.

“The Filipino colony in Morocco is small, but alive and committed. My message to them is that they continue to live their faith and give testimony of it in their living and work environments, especially in their relationship with the Moroccans and also with other Christians,” mensahe ni Archbishop Romero sa Radio Veritas.

Hiniling ng Arsobispo sa humigit kumulang 5, 000 Overseas Filipino Workers sa Morocco na maging bukas sa pakikipagkapwa maging Kristiyano man o Muslim bilang patunay na ang Simbahang Katolika ay pangkalahatan at buhay na buhay saan mang dako ng daigdig.

Ang pahayag ni Archbishop Romero ay kaugnay sa nalalapit na pagbisita ni Pope Francis sa Morocco sa ika – 30 hanggang ika – 31 ng Marso alinsunod sa paanyaya ng pamahalaan ng Morocco sa pamumuno ni King Mohammed VI.

PAGPAPATIBAY NG PANANAMPALATAYA
Inihayag Sinabi pa ni Archbishop Romero na isang pambihirang pagkakataon sa Simbahang Katolika sa Morocco ang pagdalaw ng Santo Papa sa bansa dahil isinasabuhay nito ang misyong iniatang ni Hesus kay San Pedro na pagtibayin ang pananampalataya ng sangkatauhan.

“We look forward to Pope Francis as ‘Servant of Hope’, which is the motto of this visit; and we are sure that he will encourage our hope, hope in a new world where we are all brothers,” dagdag pa ni Archbishop Lopez.

Naniniwala ang Arsobispo na ang pagbisita ng Santo Papa ay magpapalago sa pagmimisyon batay sa tatlong dimension ng buhay Krisitiyano ang Pananampalataya, Pag-asa at Pagkakawanggawa.

Umaasa rin ang pinuno ng Arkidiyosesis ng Rabat na maisakatuparan ang pag-uusap sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim batay na rin sa panawagan ng Simbahang Katolika.

Sa tala ng pamahalaan ng Morocco, sa mahigit 30 milyong populasyon nito karamihan ay mga Muslim habang halos higit sa isang porsyento lamang ang mga Katoliko.

Tiwala ang Arsobispo na mahimok ang mga Muslim sa pagdalaw ng Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika na makipagtulungan sa pag-uusap para sa kapayapaan at pagkakaisa.

“I trust that the Pope’s visit will ratify us in this endeavor and will encourage us to continue, and that the spirit of many Muslims will also open up to this dialogue of friendship, love and mutual understanding,” ani ng Arsobispo.

MGA GAWAIN SA APOSTOLIC VISIT
Sa pagbisita ng Santo Papa, nakatakdang makipagpulong ito sa mga migranteng sub – Saharan, interreligious meeting kasabay ng pagdalaw sa Formation Institute ng mga Imam at ilang tagapagturo ng Islam.

Bibisitahin din ni Pope Francis ang Caritas Center sa Rabat upang makihalubilo sa mga manggagawa at volunteers dito at ang Rural Center for Social Services sa Temara Morocco.

Nakatakda ring makipagpulong ang Santo Papa sa mga Pari at relihiyoso sa Arkidiyosesis kasama ang ilang Ecumenical Council of Churches ng Rabat at Banal na Misa na dadaluhan ng mga Kristiyano sa nasabing bansa.

Ito rin ay napapanahon lalo’t katatapos lamang ng Apostolic Visit ng Santo Papa sa kauna-unahang pagkakataon sa United Arab Emirates at nakiisa sa isinagawang International Interfaith Meeting kung saan malugod itong tinanggap ng pamahalaan ng UAE.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 11,943 total views

 11,943 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 86,557 total views

 86,557 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 166,636 total views

 166,636 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 209,775 total views

 209,775 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 210,130 total views

 210,130 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top