Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

SHARE THE TRUTH

 6,617 total views

Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue operations sa Myanmar matapos ang 7.7 magnitude na lindol na yumanig sa bansa.

Ayon kay Usec. Castro, mabilis na pinapakilos ng pamahalaan ang mga kinakailangang tulong upang suportahan ang mga karatig-bansa sa panahon ng sakuna.

“Nagmo-mobilize na po ng ating mga resources, para agad na makatulong sa ating mga karatig-bansa. Bukas nga po ang tentative travel deployment ng ating mga kumakatawan…ang grand total po ay 114 personnel ang ating ipapadala,” ayon sa pahayag ni Usec. Castro.

Ang mga personnel na ipapadala ay mula sa Department of Health (DOH), Urban Search and Rescue Team, Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at APECS.

Bukod sa agarang pagtugon sa Myanmar, binigyang-diin din ni Usec. Castro ang kahalagahan ng paghahanda maging loob ng bansa.

Nanawagan siya sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) na magsagawa ng earthquake drills at paigtingin ang kanilang kahandaan sa ganitong uri ng sakuna.

Hinimok din niya ang mga opisyal ng gusali na magsagawa ng masusing inspeksyon at higpitan ang pagbibigay ng building permits upang matiyak ang tibay ng mga istruktura laban sa lindol.

“Maliban sa gobyerno, tayong mga Filipino ay magtulungan sa paghahanda,” aniya, na nagpaalala sa lahat na ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga ahensya ng gobyerno sa mga otoridad sa Myanmar upang matiyak ang maayos at mabilis na deployment ng mga tauhang Pilipino na tutulong sa disaster response efforts.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,591 total views

 77,591 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,366 total views

 85,366 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,546 total views

 93,546 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,115 total views

 109,115 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,058 total views

 113,058 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 11,560 total views

 11,560 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 11,560 total views

 11,560 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top