Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pilipinong Pari, itinalaga ng Santo Papa na Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Perth

SHARE THE TRUTH

 3,313 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang Pilipinong pari na si Fr. Nelson Po bilang auxiliary bishop ng Archdiocese of Perth sa Australia.

Inanunsyo ng Vatican ang appointment noong February 2, kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo.

Si Bishop-elect Po ay kasalukuyang kura paroko ng Saint Benedict’s Parish sa Applecross, na sakop ng Archdiocese of Perth.

Ipinanganak siya noong June 5, 1968 sa Leyte at nagtapos ng industrial engineering sa Leyte Institute of Technology sa Tacloban.

Tinapos niya ang kursong philosophy sa Ateneo de Davao University sa Davao City at theology sa Maryhill School of Theology sa Maynila.

Noong 2003, nagtungo si Bishop-elect Po sa Perth sa imbitasyon ng noo’y Archbishop Barry James Hickey, kung saan ipinagpatuloy niya ang paghuhubog sa pagpapari sa St. Charles Seminary sa Guildford bilang seminarista ng arkidiyosesis.

Naordinahan siyang pari noong Disyembre 9, 2005 para sa Archdiocese of Perth.

Matapos ang ordinasyon, ginampanan niya ang iba’t ibang tungkulin sa arkidiyosesis, kabilang ang pagiging parish vicar sa Kalgoorlie (2006–2008), chaplain ng Royal Perth Hospital (2008–2010), parish priest ng Cloverdale (2010–2016), at kasalukuyang parish priest ng Applecross mula 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wakasan ang political dynasties!

 6,944 total views

 6,944 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 25,228 total views

 25,228 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 180,329 total views

 180,329 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 224,845 total views

 224,845 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 256,122 total views

 256,122 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top