The Catholic Church is founded on the Apostles-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na hindi likha ng tao kundi isang banal na institusyon ang pamunuan ng Simbahan na may layuning ipagpatuloy ang misyong ipinagkaloob ni Kristo sa mga Apostol hanggang sa wakas ng panahon.

Sa kanyang katesismo sa Angelus sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa na ang istruktura ng Simbahang Katolika ay may banal na pinagmulan at hindi ordinaryong organisasyong panlipunan lamang.

“The hierarchical structure is not a human construct… but a divine institution whose purpose is to perpetuate the mission given by Christ to the Apostles until the end of time,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang Simbahan ay itinatag mismo sa pundasyon ng mga Apostol at patuloy na ginagampanan ang misyon nito sa pamamagitan ng kaayusang nagsisilbi sa pagkakaisa, pagpapabanal, at misyon ng lahat ng mananampalataya.

“The Catholic Church is founded on the Apostles… and possesses a hierarchical structure that works in the service of the unity, mission and sanctification of all her members,” dagdag pa ng Santo Papa.

Nilinaw din ng punong pastol ng Simbahan ang kahalagahan ng apostolic succession kung saan ang ministeryo ng mga Apostol ay ipinagpapatuloy ng kanilang mga kahalili sa kasalukuyan.

“They hand on their ministry to men who… continue to sanctify, guide and instruct the Church ‘through their successors in pastoral office’,” ayon kay Pope Leo XIV.

Kasabay nito, itinampok ng Santo Papa na ang pamunuan ng Simbahan ay hindi kapangyarihang nangingibabaw kundi isang paglilingkod para sa sambayanan ng Diyos.

“The duty… committed to the shepherds of His people is a true service… called ‘diakonia’ or ministry,” paliwanag ng punong pastol.

Dagdag pa rito, ang tinatawag na ‘sacra potestas’ o banal na kapangyarihan na ipinagkakaloob sa mga inorden ay ginagamit hindi para sa sarili kundi para sa kapakanan ng Simbahan.

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ipanalangin ang patuloy na pagdami ng mga lingkod ng Simbahan na may pusong misyonero at tunay na pagmamahal sa Ebanghelyo.

“Let us pray… for ministers who are ardent with evangelical charity… and courageous missionaries in every part of the world,” panawagan ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,845 total reads

 232,845 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,576 total reads

 264,576 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,400 total reads

 366,400 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,963 total reads

 406,963 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,014 total reads

 418,014 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top