Pinoy sa Israel, pinag-iingat ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 546 total views

Pinag-iingat ng migrants ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Filipino sa Israel kaugnay sa kaguluhang nangyayari sa bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon iwasan ang paglabas sa kani-kanilang tahanan at sundin ang mga direktiba ng embahada ng Pilipinas upang manatiling ligtas sa karahasan.

“We, at CBCP-ECMI, urge our OFWs to be more careful, stay calm and resort to prayers. Avoid going out, always follow the directives of our Phil embassy officials,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng nagpapatuloy na karahasan sa pagitan ng Israel at Palestina na nagsimula noong Mayo 10 makaraang magsagupaan ang Israeli police at Palestinians sa isang lugar sa East Jerusalem.

Binigyang diin ni Bishop Santos na hindi malulutas ng karahasan ang anumang hindi pagkakaunawaan bagkus magdudulot ito ng higit na pinsala sa mamamayan at lipunan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Violence will never solve anything, it begets violence; War will just bring death and destruction. There is no victor in war,’ ani ng opisyal.

Sa ulat ng Israel Defence Forces (IDF) nasa 1, 500 rockets ang pinakawalan ng Gaza sa Israel dahilan ng pagkasawi ng 67 indibidwal habang higit sa 400 naman ang nasugatan.

Ayon pa sa IDF ito na ang pinakamalaking airstrike laban sa Gaza mula 2014 nang magsimula ang tensyon sa pagitan ng mga nasabing lugar.

Nababahala si Bishop Santos na pangulo ng ICMC-Asia Oceania Working Group sa namamagitang tensyon ng Israel at Palestina sapagkat malaking banta ito para sa kapayapaan at lubhang mapanganib sa mamamayan kaya’t nanawagan itong higit isulong ang dayalogo para umiral ang kapayapaan sa lugar.

“Peace is threatened and life is in danger. It is call for mutual restraint and amicable settlement; t is most necessary to call on God, praying for His guidance and deliverance that all will seek peace and will work for harmonious living,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) walang naitalang nasaktan sa mahigit 30-libong Filipino sa Israel habang patuloy din itong nakipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Tiniyak ni Bishop Santos ang panalangin para sa kaligtasan at katatagan ng mamamayan sa Israel lalong lalo na sa mga OFW kasabay ng pag-alay ng Banal na Misa ng mga Diocesan migrant ministries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 66,087 total views

 66,087 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 66,087 total views

 66,087 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 66,087 total views

 66,087 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 64,064 total views

 64,064 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 58,546 total views

 58,546 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top