227 total views
Naniniwala si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Rodolfo Biazon na maaring ang nakaugaliang kultura sa Mindanao na tinatawag na ‘pintakasi’ ang dahilan ng pagdami ng armadong grupo na kumakalaban sa pamahalaan.
Pagbabahagi ni Senador Biazon, may malalim na ugat sa kultura, tradisyon, relihiyon at kasaysayan ng Mindanao ang Pintakasi na sa positibong kahulugan ay maitutulad sa bayanihan o pagtutulungan ng mga magkakasama sa komunidad.
“Merong practice sa kanila diyan sa mga different armed groups na yan kesa ikaw ay private army, kesa ikaw ay member ng MNLF o ng MILF o ng kung sino pang armed groups yung practice ng Pinatakasi, kapag mayroong isang grupo na napapalaban yung mga iba pang armed groups na malapit sa kanila kung minsan kahit hindi malapit ay nakikisali para makakuha ng armas sa bakbakan.” pahayag ni Biazon sa panayam sa Radyo Veritas.
Patuloy naman ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na gamitin ang martial law sa pagsugpo ng mga teroristang grupo sa Mindanao at hindi upang labagin ang karapatang pantao ng mga mamamayan sa buong rehiyon.