VeritasPH

The Word, The Truth

Planetang nasa “code red”

SHARE THE TRUTH

 165 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inilabas ng Intergovernmental Panel on Climate Change (o IPCC) ang isa sa mga serye ng reports nila tungkol sa kalagayan ng ating planeta. At ang hindi magandang balita, “code red” na o sobrang peligroso na ang kalagayan ng ating planeta dahil sa climate change. Dahil dito, inaasahang mas lalalâ pa ang mga heatwaves, tagtuyot, pag-ulan, at pagbaha. Ayon sa United Nations, kakayanin natin itong tugunan kung agad tayong aaksyon.

Ang ulat ng IPCC ay inilabas tatlong buwan bago ang UN Climate Change Conference of the Parties na gagawin sa United Kingdom at layong talakayin ang mga dapat gawin upang tugunan ang mga hamong dala ng climate change. Binigyang-diin ng report na hindi na maipagkakaila ang epekto ng mga ginagawa nating mga tao sa pag-init ng mundo na siyang nagpapabago sa temperatura sa lupa at dagat. Sa nakalipas na limampung taon, pataas nang pataas at pabilis nang pabilis ang pag-init ng mundo. Dahil dito, nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang malulubhang pagbabago sa klima. Dito sa Pilipinas, naging mas malakas ang pag-ulan at mas matindi ang init ng panahon. Minsan ay hindi na natin matantya ang magiging panahon sa araw-araw. Sa ibang bansa naman, nalulusaw na ang mga yelo sa kabundukan, at bumabaha sa mga bansang dati ay bihirang dalawin ng ganitong kalamidad. Maraming lugar din ngayon—katulad ng Amerika, Greece, at Turkey—ang nakararanas ng wildfires.

Tayong nasa Pilipinas ang isa sa maituturing na pinaka-vulnerable o lantad sa epekto ng climate change. Kung kaya’t noong 2015, habang binubuo ang Paris Agreement, isa tayo sa mga bansang naggiit ng pangangailangang bawasan ang tinatawag na carbon emissions ng malakaki at mayayamang bansa. Commitment naman natin sa UN na bawasan ng 75% ang ating carbon emissions pagdating sa taóng 2030, ngunit malaking bahagi nito ay posible lamang kung tutulungan tayo ng ibang bansa.

Ayon sa mga mga grupong nangangalampag sa pamahalaan upang aksyunan ang climate change, maibababa lamang ang carbon emissions ng bansa kung maglalaan ito ng sapat na pondo para sa mga hakbang na gagawin. Ayon sa grupong Power for People Coalition (o P4P), kailangan ang unti-unti nating pag-alis sa pagdepende sa fossil fuels at paglipat sa mas malinis na mapagkukunan ng enerhiya at kuryente. Kayang-kaya natin ito dahil sagana ang ating bansa sa init ng araw, hangin, init mula sa ilalim ng lupa, at lakas ng alon ng dagat.

Maaaring napakalaking isyu ng climate change at napakaliit nating mga tao upang labanan ito. Ngunit sabi nga ng IPCC, bunga ang climate change ng ating kapabayaan. Gaya ng sinabi ni Pope Saint John Paul II sa isa niyang homilya noong 1987, hindi tayo patuloy na hahandugan ng biyaya ng mundo kung hindi tayo magiging tapat na tagapangalaga nito. Aniya, “We cannot say we love the land and then take steps to destroy it for use by future generations.” Kung mahal natin ang nag-iisa nating tahanan, kailangan nating gumawa ng mga hakbang upang ipakitang mahalaga ito hindi lamang para sa atin kundi pati sa mga susunod na henerasyon.

Mga Kapanalig, biniyayaan tayo ng Diyos ng isang tahanang mayaman sa biyaya at nagbibigay-buhay, ngunit gaya ng sinabi niya sa Jeremias 2:7, “dinungisan [ng mga tao] ang ibinigay kong lupain dahil sa karumal-dumal nilang mga gawain.” Kasalanang maituturing ang hindi pangangalaga sa kalikasan, ngunit hindi pa huli ang lahat. Makibahagi tayo sa pagkalampag sa pamahalaan at sa pagpapaalala sa bawat isa sa ating gampanan ang ating responsibilidad na pangalagaan ang ating mundo. Tunay na isa itong hamon, ngunit ito ay ating tungkulin bilang mabubuting Kristiyano.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,789 total views

 8,789 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,774 total views

 16,774 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,310 total views

 24,310 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,296 total views

 40,296 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,340 total views

 48,340 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 8,790 total views

 8,790 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 16,775 total views

 16,775 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,311 total views

 24,311 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,297 total views

 40,297 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,341 total views

 48,341 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,748 total views

 45,748 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,173 total views

 44,173 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,959 total views

 45,959 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,884 total views

 42,884 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,198 total views

 57,198 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,888 total views

 60,888 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,491 total views

 59,491 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,478 total views

 69,478 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,446 total views

 73,446 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,333 total views

 84,333 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top