PNP Chaplain Service, tumalima sa panawagang maghain ng courtesy resignation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,374 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police – Chaplain Service sa isinasagawang internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Pinangunahan ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo ang paghahain ang courtesy resignation ng 3rd Level Officers ng PNP Chaplain Service.

Ito ay tugon sa panawagan ni DILG Secretary Benhur Abalos na unang hakbang upang masulosyunan ang malalim na problema ng ilegal na droga sa loob ng ahensya.

“Ang opisina namin talagang whole hearted support naman po sa panawagan ng internal cleansing campaign particularly lalo na po ngayon sa challenge at appeal ni DILG (Secretary Benhur Abalos) regarding sa voluntary courtesy resignation ng mga coronels at generals ay of course ito naman po ay in line with the PNP’s battle against illegal drugs,” pahayag Msgr. Ortizo sa Radio Veritas.

Tiniyak ni General Ortizo ang suporta at pakikibahagi ng PNP-Chaplain Service sa iba’t ibang programa at hakbang upang tuluyang malinis ang hanay ng Pambansang Pulisya.

“Natuwa din tayo dito dahil this is part of cleansing the organization at ang opisina namin yan din naman ang ultimate goal kaya kami nandito to help in the internal cleansing campaign of the PNP kaya kami nakikiisa talaga sa challenge na ito ng ating DILG at ng ating Chief PNP with regards sa panawagan (magpasa ng courtesy resignation),” dagdag pa ni General Ortizo.

Mensahe ni General Ortizo sa mga opisyal ng ahensiya ang pagtitiwala sa isinasagawang pagsusuri at imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may mga kaugnayan sa ilegal na droga.

“After the assessment at talagang wala kang involvement ay maki-clear ka naman po, sinasabi ko din sa ating mga officers involve na huwag mabahala although may mga pangambang konti because of human factors. If your conscience is clear na wala kang involvement sa illegal drugs ay mapapawalang sala ka rin naman talaga,” ayon pa kay General Ortizo.

Ang PNP-Chaplain Service ay may 9 hanggang 11 mga opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan at rehiyon sa bansa na nagsumite ng courtesy resignation.

“Sa amin kami sa command group tatlo, tapos sa aming division heads naming ay nasa tatlo din at saka sa mga regional more or less nasa 9 kami or 11, yang mga yan kasi ay nasa mga regions nasa mga regions ngayon whom I believe at this time ay nagsubmit na din ng kanilang courtesy resignation,” pagbabahagi pa ni General Ortizo.

Bahagi ng internal cleansing ang pagbubuo ng isang komite na mayroong limang miyembro na mangangasiwa sa pagsusuri at mag-iimbestiga sa mga record ng mga coronel at general na magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

Unang pinangunahan ni PNP Chief Rodolfo Azurin ang paghahain ng courtesy resignation at nananawagan sa 956 na mga opisyal ng PNP na makibahagi sa pagtugon sa problema ng ilegal na droga sa ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 28,913 total reads

 28,913 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 76,784 total reads

 76,784 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 180,732 total reads

 180,732 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 266,846 total reads

 266,846 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 335,536 total reads

 335,536 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top