PNP, napapaikot ng walang kredibilidad na testigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

Tinawag ng Obispo na walang paninindigan ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos isama sa kasong sedition case ang mga pari at Obispo.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity lumalabas na katawa-tawa ang ginagawa ng pulisya dahil sa pagtitiwala nito sa mga haka-haka lamang ng hindi katiwa-tiwalang mga tao.

“Ang nakakalungkot na ginagamit ang mga government agencies lalo na ang PNP para magtaguyod nito. Una lumalabas na katawa-tawa sila, pero lumalabas din na wala silang paninindigan sa kanilang sarili, mga ganyang bintang-bintang na wala namang katotohanan ay kanilang isinusulong, ibig sabihin na sila ay walang paninindigan, sunudsunuran lamang sila at talagang yan ay pang harass lang sa mga tao.” Bahagi ng pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, kitang-kita na ito ay uri ng pang-ha-harass sa mga kritiko ng pamahalaan at pananakot sa mga kinatawan ng simbahan na tumututol sa kasamaan sa lipunan.

Naninindigan si Bishop Pabillo, na walang bisa ang kasong isinasampa dahil gawa-gawa o haka-haka lamang ang mga ito.

“Alam po natin na yung pagsasampa ng mga kaso ay isang harassment na ginagamit para sa mga critics ng pamahalaan kaya yan ay nakikita namin na talagang wala namang bisa itong mga harassment, mga haka-haka lang.” Dagdag pa ng Obispo.

Batay sa ulat ang kasong Sedition na isinampa laban kina Vice President Leni Robredo at 35 indibidwal kabilang na sina dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, kasalukuyang CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Robert Reyes, Fr. Albert Alejo at Fr. Flaviano Villanueva.

Ipinagtanggol naman ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Obispo at Pari na sinampahan ng naturang kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 80,899 total views

 80,899 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 80,899 total views

 80,899 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 80,899 total views

 80,899 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 78,467 total views

 78,467 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 71,636 total views

 71,636 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 285,361 total views

 285,361 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top