Sedition case sa mga kritiko ng administrasyong Duterte, diversionary tactic lamang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Maituturing na diversionary tactic lamang ng administrasyon ang pagdadawit at pagsasampa ng kaso sa iba’t-ibang personalidad at ilang mga opisyal ng Simbahan sa planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Ito ang pananaw ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias kaugnay sa isinampang sedition case ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa 35-indibidwal kabilang na ang ilang lider ng Simbahan na ibinase sa pahayag ng walang kredibilidad na testigo.

Iginiit ng Obispo na dahil sa kasalukuyang hindi magandang imahe ng Pilipinas sa international community ay maituturing na diversionary tactic ng administrasyon ang pagsasampa ng kaso laban sa mga kritiko upang mapatahimik ang mga ito at malihis ang atensyon ng sambayanan mula sa tunay na sitwasyon ng bansa.

“Iyan ay ginagawa lamang na sa palagay ko ay ginagawang diversionary tactic ng gobyerno kasi napaka-sama ang imahen ng Pilipinas ngayon sa ibang bansa at kaya pinatataas din ang rating tapos mayroong mga ganyan, diversionary tactic lang yan…”pahayag ni Bishop Tobias sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang hinamon ni Bishop Tobias ang mga mamamayan na manindigan para sa kapakanan ng Pilipinas lalo na mula sa pamumuno ng mga lider ng bayan na walang malasakit at pagpapahalaga sa kabutihan ng mas nakararami.

Samantala, bukod sa suporta mula sa iba pang mga Obispo at sa mismong Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ay nagpahayag na rin ng suporta at pakikiisa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa kinahaharap na kaso at pag-uusig ng ilang mga Pari at mga opisyal ng Simbahan mula sa kasong isinampa ng PNP-CIDG.

Kabilang sa mga sinampahan ng Sedition Case ay sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Former CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Robert Reyes at Jesuit Priest na si Fr. Albert Alejo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 14,260 total reads

 14,260 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 100,567 total reads

 100,567 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 137,939 total reads

 137,939 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 169,199 total reads

 169,199 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 241,345 total reads

 241,345 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,564 total reads

 32,564 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top