PNP, napapaikot ng walang kredibilidad na testigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Tinawag ng Obispo na walang paninindigan ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos isama sa kasong sedition case ang mga pari at Obispo.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity lumalabas na katawa-tawa ang ginagawa ng pulisya dahil sa pagtitiwala nito sa mga haka-haka lamang ng hindi katiwa-tiwalang mga tao.

“Ang nakakalungkot na ginagamit ang mga government agencies lalo na ang PNP para magtaguyod nito. Una lumalabas na katawa-tawa sila, pero lumalabas din na wala silang paninindigan sa kanilang sarili, mga ganyang bintang-bintang na wala namang katotohanan ay kanilang isinusulong, ibig sabihin na sila ay walang paninindigan, sunudsunuran lamang sila at talagang yan ay pang harass lang sa mga tao.” Bahagi ng pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, kitang-kita na ito ay uri ng pang-ha-harass sa mga kritiko ng pamahalaan at pananakot sa mga kinatawan ng simbahan na tumututol sa kasamaan sa lipunan.

Naninindigan si Bishop Pabillo, na walang bisa ang kasong isinasampa dahil gawa-gawa o haka-haka lamang ang mga ito.

“Alam po natin na yung pagsasampa ng mga kaso ay isang harassment na ginagamit para sa mga critics ng pamahalaan kaya yan ay nakikita namin na talagang wala namang bisa itong mga harassment, mga haka-haka lang.” Dagdag pa ng Obispo.

Batay sa ulat ang kasong Sedition na isinampa laban kina Vice President Leni Robredo at 35 indibidwal kabilang na sina dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, kasalukuyang CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Robert Reyes, Fr. Albert Alejo at Fr. Flaviano Villanueva.

Ipinagtanggol naman ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Obispo at Pari na sinampahan ng naturang kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 27,588 total reads

 27,588 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 63,879 total reads

 63,879 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 290,149 total reads

 290,149 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 183,616 total reads

 183,616 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 276,206 total reads

 276,206 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,897 total reads

 34,897 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,790 total reads

 27,790 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top