Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Political dynasty, sakit na umaatake sa demokrasya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 938 total views

Ang patuloy na pag-iral ang political dynasty sa bansa ay maituturing na isang sintomas ng sakit na umaatake sa demokrasya ng Pilipinas na dapat na masolusyunan.

Ito ang binigyang diin ni incoming Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity Chairman Diocese of Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa panibagong serye ng online conversation ng implementing arm ng komisyon bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Obispo, ang pag-iral ng political dynasty ay isang tahasang paglabag sa demokrasya ng bansa na sa kasalukuyan ang tila pinatatakbo at pinangangasiwaan lamang ng iilang pamilya at angkan.

“Political dynasties however by the symptom of the greater ill in our society, we claim to be a democracy but it is a democracy run and rule by a few,” ang bahagi ng pahayag ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa naganap na online conversation ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Paliwanag ng Obispo, bagamat walang katiyakan na mawawakasan ang pag-iral ng political dynasty sa bansa ay hindi naman ito nangangahulugan na mawawalang saysay ang pagsusumikap ng lahat na mawakasan ito sa hinaharap.

Giit ni Bishop Macaraeg, naaangkop lamang na simulan na ng bawat isa ang pagpupunla at pagbubukas ng kamalayan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa maling epekto sa lipunan ng tila pagpapasahan lamang ng posisyon sa pamahalaan ng iisang pamilya o angkan.

Pagbabahagi pa ng Obispo, mahalaga ring malaman ng bawat mamamayan na ang pag-iral ng political dynasty sa bansa ay isang balakid upang magkaroon ng pagkakataon ang iba pang may kakayahan, kaalaman at mabuting intensyon na makapaglingkod para sa kabutihan ng bayan.

“Shall we ever get to see the end of political dynasties, perhaps not even in our lifetime but it is important that we begin to sow seeds in the hearts and minds of the people, we begin today to give hope that political dynasties could be ended, the other have to be given the chance, the opportunity to serve the people to make government actually function to the good of common people,” dagdag pa ni Bishop Macaraeg.

May titulo ang panibagong serye ng online conversation ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na “Bago Naman SIR sa 2022” kung saan tinalakay ang usapin ng patuloy na umiiral na political dynasty sa bansa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Una ng binigyang diin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan upang maisulong ang mabuting pamamahala sa bansa at tapat na halalan sa susunod sa taon lalo na’t bukod sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga senador ay kabilang rin sa kinakailangang ihalal ay ang bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na mangangasiwa sa pamamahala sa Pilipinas sa susunod na anim na taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 44,102 total views

 44,102 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 61,199 total views

 61,199 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 75,432 total views

 75,431 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 91,149 total views

 91,148 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 109,648 total views

 109,647 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 21,148 total views

 21,148 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top