Fr.Villanueva, tinanghal na Ramon Magsaysay awardee

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,247 total reads

Igagawad ng Ramon Magsasay Award Foundation (RMAF) kay Father Flavie Villanueva SVD – Founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation at Program Paghilom ang prestihiyosong parangal na Ramon Magsasay Awards.

Ito ay matapos kumpirmahin sa kakatapos lamang na Global Announcement ang pagpaparangal sa Pari kasama ang dalawang iba pang indibidwal at insititusyon ngayong 2025 bilang 67th Ramon Magsaysay Awardees.

Ayon kay RMAF President Susanna Afan, natatangi ang pagtataguyod ng mga awardees ngayong taon sa pagpapabuti ng buhay ng kanilang kapwa upang makamit ang katarungang panlipunan na dapat sana ay hindi pribilehiyo at sa halip ay karaniwang kalayaan na dapat tinatamasa ng kanilang mga natutulungan na mapabuti ang buhay.

“We believe that their stories deserve the widest audience possible, with your support in media and public relations, we can share their voices more broadly and ensure that their examples reach and inspire communities accross Asia and beyond,” ayon ni Afan na pindala sa Radyo Veritas.

Ayon sa RMAF, ang pagpaparangal kay Father Villianueva ay dahil sa pagtataguyod ng Pari sa pagpapabuti ng buhay upang ipanumbalik ang dangal ng mahihirap at inaapi dahil kinikilala ng board of trustees ang kanyang pagtatatag ng Arnold Janssen Kalinga Center at Program Paghilom na nagbibigay hindi lamang ng pagkain, tirahan, at serbisyong nagbibigay karangalan sa kanilang pamumuhay, kungdi pati narin hinahandog ang pagpapaggaling at pag-asa para sa mga biktima ng kahirapan at marahas na karanasan

Para sa Magsaysay board, si Fr. Villanueva ay tunay na isinasabuhay ang “Greatness of Spirit” advocay na araw-araw na nagpapatunay na ang tunay na ang kabanalan ay nakikita sa pagtulong at pakikiisa sa mga sa pinakanalimutan o pinakanangangailangang sektor ng lipunan.

“Thank you for your invaluable support, we look forward to your partnership as we honor the 2025 Ramon Magsasay Awardees and Celebrate the enduring legacy of Greatness of Spirit,”
ayon pa sa mensahe para sa mamamahayag ni Afan.

Ngayong taon, sa 67th Year ng Ramon Magsasay Awards, Kasama ni Fr.Flavie sina Shaahina Ali ng Maldives dahil sa kaniyang pagsusulong ng pinaigting na pangangalaga sa mga karagatan, habang paparangalan din ang Foundation to Educate Girls Globally nang India na isinusulong ang higit na pagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihang makapagtapos ng pag-aaral sa bansang tanging nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga kalalakihan.

Sa November 07 naman idadaos ang pormal na paggagawad ng Ramon Magsaysay Awards sa tatlong indibidwal at insitusyon sa Metropolitan Theatre sa Maynila.

1957 ng itinatag ang Ramon Magsaysay Award na isa sa pinakamataas na parangal sa Asya na ibinibigay sa mga indibidwal, grupo o institusyong tunay na naglilingkod sa bayan at nagpapabago sa lipunan tulad ng gawain ng dating Pangulong Ramon Magsaysay ng manungkulan ito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,074 total reads

 77,074 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,815 total reads

 111,815 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,115 total reads

 147,115 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,384 total reads

 373,384 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,608 total reads

 262,608 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top