Budget and spend responsibly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 137,022 total views

Mga Kapanalig, “ber months” na! 

Para sa ilan sa atin, ang unang araw ng Setyembre ay hudyat na papalapít na ang Kapaskuhan. Nagsisimula na ba kayong mag-ipon para sa inyong mga reregaluhan? Para makapag-ipon, kailangang magbadyet nang maaga. Kailangang magbadyet nang maayos. 

Maaga (at sana ay maayos din) na nagbabadyet ang pamahalaan, hindi para sa Pasko pero para sa susunod na taon. Nagsimula na ang budget season ng Kamara pagkatapos isumite ng Department of Budget and Management (o DBM) ang National Expenditure Program (o NEP). Nakapaloob sa NEP ang kinakailangang pondo ng mga ahensya para maisakatuparan ang kani-kanilang mga programa at proyekto.

Ang NEP para sa 2026 ay nagkakahalaga ng halos 6.8 trilyong piso, mas mataas ng 7.4% kaysa ngayong 2025. Ang tatlong sektor na prayoridad sa badyet ay ang edukasyon, public works o mga imprastruktura, at kalusugan. Sa kanyang mensahe sa NEP, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na hangarin ng panukalang badyet na patuloy na paglaanan ng pondo ang mga programang naghahatid ng mga batayang pangangailangan ng mga Pilipino katulad ng edukasyon, kalusugan, at pagkain.

Pero kaakibat ng badyet na ito ay ang pangungutang. Inaasahang mangungutang ang ating pamahalaan ng 2.68 trilyong piso, ilang bilyong piso na mas malaki kaysa sa inutang nating 2.60 trilyong piso para ngayong taon. Sa kasalukuyan, record-breaking na ang halaga ng utang natin—nasa 17.27 trilyong piso na ito! Inaasahang aakyat pa ito sa 19.06 trilyong piso sa susunod na taon. Hindi naman masama ang umutang, pero ibang usapan na kung lubog tayo sa utang.

Nakadidismaya ang realidad na ito tungkol sa ating pambansang pondo. Trilyun-trilyon na nga ang badyet, hindi pa rin sapat. Lumolobo pa ang ating utang. Ang mas nakasasama pa ng loob, walang habas na kinukurakot ang kaban ng bayan, katulad ng nangyari sa mga palpak na flood-control projects. Napupunta lang sa bulsa ng mga tiwali—kasama ang kanilang maluluhong pamilya—ang pinaghirapan nating buwis. Grabeng pagkaganid ito!

Sa ganitong mga pagkakataon, hinahamon tayo ng Simbahan na sikaping baguhin ang mga makasalanang istruktura sa ating lipunan—o sinful social structures. Kasama sa mga sinful social structures na ito ang mga sistema sa ating pulitika at ekonomiya na nagpapababa sa dignidad ng tao, nagpapalaganap ng kahirapan, at nagpapanatili ng kawalang-katarungan. Halimbawa nito ang korapsyon na lantarang ginagawa ng mga nasa poder sa pulitika at ekonomiya, daíng ni Pope Benedict XVI sa Caritas in Veritate. Hindi na ito bago sa atin. 

Pero kung hahayaan nating magpatuloy ang korapsyon at tatanggapin natin ito na normal nang bahagi ng pamamahala sa ating bansa, huwag tayong umasang sasapat ang trilyun-trilyong badyet ng gobyerno. Huwag tayong umasang hindi na tayo uutang para punuan ang kakulangan. Huwag tayong magtaka kung bakit palpak ang mga proyektong ipinatatayo ng gobyerno at kung bakit marami pa rin ang hindi makakain nang maayos. Huwag tayong magalit kung lulustayin lang ang perang pinaghirapan natin. Tiisin natin ang epekto ng pagbubulag-bulagan natin sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kaya mga Kapanalig, kung ayaw nating mangyari ang mga ito, maging alisto tayo sa inihahandang national budget ngayong budget season. Sa ating mga lider naman, binabalaan kayo ng Panginoon na huwag maging ganid at sakim. Sabi nga sa Lucas 12:15: “mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Maging tapat po sana kayo sa inyong tungkuling protektahan at gamitin sa tama ang pera ng taumbayan. Tama na ang pagnanakaw nang hindi pa lumobo ang utang na mamanahin ng mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino. Budget and spend responsibly!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 42,570 total views

 42,570 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 216,504 total views

 216,504 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 194,137 total views

 194,137 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 256,745 total views

 256,745 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 273,253 total views

 273,253 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 42,571 total views

 42,571 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 216,505 total views

 216,505 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 194,138 total views

 194,138 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 256,746 total views

 256,746 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top