5,722 total views
Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang posibilidad na maaring sa Pilipinas na ikulong si Mary Jane Veloso.
Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, hudyat ito ng pag-asang makamit ni Veloso ang katarungan at muling makapiling ang pamilya matapos ang 14-taong pagkakakulong sa Indonesia dahil sa kaso ng drug smuggling.
“As we continue to follow the case of Mary Jane Veloso, who has been imprisoned in Indonesia for over a decade, we find ourselves at a crucial moment, the possibility of her transfer to a Philippine prison is now being considered, offering a glimmer of hope for her and her family. This development is a testament to the power of faith, perseverance, and the unwavering support of our community, Mary Jane’s journey has been one of immense hardship and resilience, Her story reminds us of the importance of compassion, justice, and the relentless pursuit of truth, as we await further updates, let us continue to stand in solidarity with Mary Jane and her loved ones, offering our prayers and support,”pahayag ni Bishop Santos
Hiniling naman ni Bishop Santos sa mga Pilipino ang pagkakaisa at sama-samang pananalangin para sa kabutihan ni Veloso at iba pang Filipino prisoners na nasa ibang bansa.
Ipinalalangin din ni Bishop Santos ang kabutihan ni Veloso sa pag-usad ng pag-aaral ng Indonesia kung ililipat ito sa mga kulungan ng Pilipinas.
Umaasa ang Obispo na magkaroon ng katatagan ng loob ang pamilya ni Veloso sa patuloy na paglilitis ng kaniyang kaso.
“Heavenly Father,
We come before You with hearts full of hope and compassion, lifting up Mary Jane Veloso in our prayers. Lord, You know the trials and tribulations she has faced, and we ask for Your divine intervention in her case.
As the possibility of her transfer to a Philippine prison is being considered, we pray for Your guidance and wisdom for all those involved in making this decision.
May your hand be upon Mary Jane, providing her with strength, comfort, and peace during this time of uncertainty.
We ask for Your protection over her and her family, and for the continued support of our community as we stand by her side. Lord, may Your justice and mercy prevail, and may Mary Jane find solace in Your loving embrace. In Your most holy name, we pray. Amen,” ayon sa panalangin ni Bishop Santos para kay Veloso.
Inihayag ng Indonesian Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction, na pinag-aaralan na ng pamahalaan ng Indonesia ang pagpapauwi kay Veloso sa Pilipinas.
Si Mary Jane Veloso ay ang Overseas Filipino Worker na nakulong sa Indonesia dahil sa kaso ng drug trafficking noong 2010 at nananatili sa Death Row matapos magawaran ng temporary reprieve bago bitayin noong 2015.
Nabatid sa datos ng Department of Migrant Workers na isa si Veloso mula sa 44-Pilipinong nasa death row sa ibayong dagat.