5,782 total views
Hinihiling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na mapasailalim sa pangangalaga ng Diyos ang mga lugar na kasalukuyang hinahagupit ng Bagyong Kristine lalo na sa CALABARZON Region at lalawigan ng Rizal.
Dalangin ni Bishop Santos na kasabay ng paglakas ng bagyo, ang Diyos ay magsilbing kalasag laban sa anumang kapahamakan, lalo na sa mga pagkakataon ng kawalang kasiguruhan at panganib.
Inilalapit din ng obispo sa pamamatnubay ng Panginoon ang mga nag-aalay ng panahon at lakas upang matulungan ang mga lubhang apektado ng unos, at higit pang magampanan ang tungkulin para sa mga nangangailangan.
Ipinapanalangin ni Bishop Santos na ang presensya ng Diyos ay magbigay ng kapayapaan at aliw sa mga nangangamba at nawawalan ng pag-asa.
“PRAYER FOR PROTECTION FROM TYPHOON KRISTINE
Heavenly Father,
We lift up in prayer all those affected by Typhoon Kristine, especially in Calabarzon and Rizal province.
We ask for Your protection over them as the storm intensifies.
Shield them from harm and
grant them strength and courage in this time of uncertainty.
Guide the hands of those who are providing aid and support, and may Your presence bring peace and comfort to all who are in need. We trust in Your divine mercy and grace to see us through these challenging times.
In Your holy name, we pray. Amen.”
Naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON ang hagupit ng Bagyong Kristine na nagdulot ng tuloy-tuloy at malakas na pag-uulang sinabayan ng pagbugso ng hangin.
Patuloy naman ang pagbabantay ng mga social action arm diyosesis sa epekto ng bagyo sa mga lalawigan at kinasasakupan, at naghahanda na para makapagsagawa ng agarang pagtugon sa pinsala ng sakuna.