Caritas Caceres, nangangailangan ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,060 total reads

Patuloy ang pag-apela ng tulong ng Caritas Caceres para sa mga nagsilikas na pamilya sa iba’t ibang parokyang kinasasakupan ng Archdiocese of Caceres.

Ayon kay executive director, Fr. Marc Real, hindi pa madaanan ang mga pangunahing kalsada patungo sa Naga City, kabilang na rito ang dalawang bayan, dahil lubog pa rin sa baha.

Sinabi ng pari na dahil sa mataas na antas ng baha, hindi madali ang paggalaw ng mga residente, maging ang pagsasagawa ng relief operations sa mga apektadong lugar.

“Hindi pa po madaanan ‘yung mga kalsada papunta dito sa Naga City. May dalawang bayan pa na dadaanan na lubog sa baha. Maraming parte sa Naga City ang mataas pa rin ang tubig kaya hirap din talaga kumilos,” ayon kay Fr. Real sa panayam ng Radio Veritas.

Sa huling tala ng arkidiyosesis, higit 30 parokya at institusyon ang binuksan ang mga simbahan at pasilidad upang patuluyin ang nasa higit 3,000 indibidwal na apektado ng malawakang pagbaha at patuloy na pag-uulan.

Pangunahing pangangailangan ng mga nagsilikas ang bigas, canned goods, gamot, maiinom na tubig, damit, at thermal o sleeping kits.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring dalhin ang in-kind donations sa designated drop off points sa Archbishop’s Residence, mga parokya ng Immaculate Conception, Our Lady of Peñafrancia, at San Francisco sa Naga City; at Caritas Caceres office sa Pili.

Maaari namang ipadala ang cash donations sa account name na Caritas Caceres (Naga), Inc. sa Maybank account no. 01025000454; BDO account no. 001898018432; AUB account no. 105-01-000283-1; at GCash sa account na Marcel Emmanuel DP. Real sa numerong 0906-057-9426.

Para sa karagdagan at kumpletong detalye, bisitahin ang facebook page ng Caritas-Caceres Naga o Archdiocese of Caceres.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa higit 970-libong indibidwal o higit 190-libong pamilya mula sa mga distritong saklaw ng Archdiocese of Caceres sa Camarines Sur, ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,298 total reads

 232,298 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,029 total reads

 264,029 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,853 total reads

 365,853 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,416 total reads

 406,416 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,499 total reads

 417,499 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,416 total reads

 143,416 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top