155 total views
Makikiisa ang Diyosesis ng Balanga sa Diocese ng Cubao sa pagbibigay ng buong suporta sa mga pastol ng Simbahan na kasalukuyang nahaharap sa kasong sedisyon.
Sa pahayag ni Bishop Ruperto Santos magtitipon at magdiriwang ng Banal na Misa ang mga Pari ng diyosesis ganap na ikaanim ng gabi sa ika – 27 ng Hulyo kung saan partikular itong ini-aalay kay Bishop Honesto Ongtioco ang dating Obispo ng Balanga na kasalukuyang pinunong pastol ng Cubao na kabilang sa kinasuhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group.
“This is our solidarity with the Diocese of Cubao and our filial support with Bishop Nes [Ongtioco],” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Naunang inihayag ng Diyosesis ng Cubao ang pagsasagawa ng Prayer Vigil sa ika – 27 ng Hulyo upang ipakita ang suporta kay Bishop Ongtioco kung saan isang misa ang gaganapin alas 6 ng hapon na pangungunahan ni Fr. Steven Zabala – Vicar General ng diyosesis habang susundan naman ito ng prusisyon at prayer vigil sa harapan ng Bishops’ residence.
Read: Prayer Vigil sa mga kinasuhan ng sedisyon, isasagawa ng mananampalataya
Iginiit ni Bishop Santos na isang mabuting ehemplo at tunay na lingkod ng Panginoon si Bishop Ongtioco dahil nanilbihan din ito sa Balanga ng limang taon bago itinalagang punong lingkod ng mga kawan ng Diyos sa Cubao.
“In his term here [Balanga] Bishop Nes is very respectful, soft spoken and very straight man of God,” ani ni Bishop Santos.
Ikinagulat din ni Bishop Teodoro Bacani Jr. ang pagkasangkot ng pangalan ni Bishop Ongtioco dahil tahimik lamang itong namamahala sa kanyang diyosesis at gumagabay sa mga kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.
Read: Pagkakasangkot ng mga lider ng simbahan sa sedition case, tinawag ng Obispo na stupid
Una nang nagpahayag ng buong suporta ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga Obispo at Paring isinangkot sa kasong sedisyon na aniya’y hindi kapani-paniwala sapagkat ginagampanan lamang nito ang kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod ng Diyos at nananalanging lalabas ang katotohanan sa imbestigasyon.
Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case