1,063 total views
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Kung matamis sa loob mo ang pagpapasan ng krus, ito ay dadalhin ka at papatnubayan hanggang sa wakas mong minasa, hanggang sa wakas na paghihirap bagaman ito’y wala rito sa lupa.
Kung laban sa kalooban mo ang pagpapadala sa kanya, ang bigat niya’y lalong mag-uulol; at lalong ititindi ng iyong paghihirap.
Kung tanggihan mo ang isang krus, ay walang pagsalang makakatagpo ka ng iba at maaaring lalo pang mabigat.
Iniisip mong iwasan ang bagay na walang anumang mangyayaring umiwas? Sino ang mga banal na ‘di nagpasan sa lupa ng krus at nagtiis ng kahirapan?
Ang ating Panginoong si Hesukristo, sa Kanyang pakikipanayam sa daigdig na ito, ay walang saglit na ‘di nagtiis ng hirap; sapagkat kailangan Niya ang magdusa at mabuhay na mag-uli sa gitna ng mga patay at sa gayo’y ano’t humahanap ka ng ibang landas at kundi itong tunay na dili iba’t ang Banal na Krus? (Imitacion de Cristo, cap. XXII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]
#VeritasPH