ππ¨π―πžπ¦π›πžπ« πŸπŸ” β€’ π’π€πˆππ“ 𝐆𝐄𝐑𝐓𝐑𝐔𝐃𝐄 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐑𝐄𝐀𝐓, 𝐕𝐒𝐫𝐠𝐒𝐧

SHARE THE TRUTH

 1,940 total views

#ASaintADayΒ | ππ¨π―πžπ¦π›πžπ« πŸπŸ” β€’ π’π€πˆππ“ 𝐆𝐄𝐑𝐓𝐑𝐔𝐃𝐄 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐑𝐄𝐀𝐓, 𝐕𝐒𝐫𝐠𝐒𝐧

Reflection. No preparation for death can be better than to offer and resign ourselves anew to the Divine Will–humbly, lovingly, with unbounded confidence in the infinite mercy and goodness of God.

Saint Gertrude the Great, thou fragrant flower in the hand of Jesus Christ, pray for us.

#VeritasPH

Para sa isang smartphone?

 20,442 total views

Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone?

Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50 milyong social media followers niya kamakailan. Magpapa-raffle daw siya ng 100 smartphones sa 100 niyang followers. Pero may isang kondisyon: kailangang i-follow ang social media page ng online gambling platform na ineendorso niya. Hindi nagtagal, naging viral ang video at umabot ito sa mahigit 280 milyong views, mahigit 8 milyong reactions, at mahigit 7 milyong comments.

Maaaring isipin ng ilan: anong masama sa pag-follow sa social media page ng isang casino kung bagong cellphone ang magiging kapalit? Lisensyado rin naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR) ang naturang online casino, kaya hindi naman iligal sumali sa raffle, β€˜di ba?

Ang bawat β€œfollow” o β€œlike” sa social media page ng isang online gambling platform ay tumutulong para mas lalo pa itong makita ng mas maraming tao, kasama ang mga bata. Dahil sa paraan ng paggana ng mga algorithm sa social media, mas madalas na lalabas sa ating feeds ang mga katulad nitong nilalaman. Unti-unti nitong ginagawang ordinaryong libangan ang pagsusugal online. Pero maraming pag-aaral na ang nagpapakitang ang pagsusugal ay maaaring humantong sa pagkabaΓ³n sa utang, matinding stress at mental health issues, pagkasira ng pamilya, at pagkalulΓ³ng sa sugal na mahirap nang takasan.

Dito lalong nagiging mahalaga ang papel ng mga influencers. Kamakailan ngna, kinilala pa bilang β€œBest Public Service Show” ang programa ng social media influencer na endorser din ng online gambling. Kapag ganito kalaki ang impluwensya ng isang personalidad, mas malaki rin ang pananagutan niyang gamitin ang kanyang plataporma nang may pag-iingat.

Hindi maliit ang problema ng pagsusuggal. Ayon sa PAGCOR, umabot na sa mahigit 32 milyon ang tinatawag na electronic gaming players sa Pilipinas. Tinatayang mahigit 100 bilyong piso ang kinikita ng pamahalaan mula sa online gambling kada taon. Gayunman, kinikilala rin mismo ng PAGCOR ang panganib nitogaya ng iresponsableng pagkaubos ng pera, pinansyal at emosyonal na paghihirap, pagkasira ng pamilya, at matinding kalungkutan. Sinasabi ng gobyernong hinihigpitan nito ang ilang online gambling services, kabilang ang pagtanggal ng in-app gambling access sa ilang mobile payment applications. Naglunsad din ang PAGCOR ng National Problem Gambling Helpline upang magbigay ng libreng counseling sa mga dumaranas ng gambling addiction.Β 

Pero sapat na ba ang mga ito kapag nalulong na sa online gambling ang isang tao?

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) para sa mas mahigpit na aksyon laban sa online gambling. Inilarawan nila ang pagsusugal online bilang isang ”morΓ‘l at panlipunang krisisβ€œ at nagbabalΓ‘ng isa na itong bagong virus na sumisira sa mga tao, pamilya, at lipunan. Dagdag pa ng CBCP, kasalanan ang pagsasamantala sa kahinaan ng mga tao para lamang kumita, lalo na kung mga kabataan at mahihirap ang pangunahing naaapektuhan.

Paalala rin sa atin ng Lucas 12:15: β€œMag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Kapag ang perang dapat sana ay pambili ng pagkain, pambayad ng kuryente, o pampaaral ng mga anak ay napupunta sa pagsusugal, magdurusa ang buong pamilya.

Mga Kapanalig, hindi dapat maging kapalit ng pagkakataong manalo ng isang smartphone ang pagpapakita ng suporta sa online gambling. Kasabay ng malaking impluwensya ay malaking pananagutan. Gamitin sana ng mga influencers na may milyun-milyong followers ang kanilang plataporma sa tunay na mabuti sa halip na gawing pangkaraniwan ang isang gawaing kayang sumira ng buhay. Hindi lahat ng ligal ay tama, kaya hindi natin dapat hayaang maging normal ang online gambling dahil kinabukasan ng maraming Pilipino ang maaaring maging kapalit nito.

Sumainyo ang katotohanan.

Pax Silica

 59,746 total views

Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AIβ€”at ano ang magiging kapalit nito?Β 

Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.

Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlacβ€”halos kasinlaki ng Pasay Cityβ€”para sa kauna-unahang β€œAI-native industrial acceleration hub.” Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals na gagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.

Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na β€œtop priority” ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.

Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.

Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi β€œpurely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon.Β 

Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing β€œutak” ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada arawβ€”katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica.Β 

Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?

Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

SINCE THE BEGINNING

 13,166 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. β€œThe Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the β€˜birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. β€œThe Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

β€”β€”β€”β€”

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNINGβ€”the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa isang smartphone?

 20,443 total views

 20,443 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More Β»

Pax Silica

 59,747 total views

 59,747 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More Β»

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 213,846 total views

 213,846 total views β€œA Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More Β»

NASAAN ANG SIMBAHAN

 241,101 total views

 241,101 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, β€œNASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More Β»

Watch Live

RELATED TOPICS

LINGGO, HULYO 7, 2024

 281,886 total views

 281,886 total views Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Ezekiel 2, 2-5 Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4 Mata nami’y nakatuon sa awa ng Panginoon. 2

Read More Β»

𝐒𝐭. π…π«πšπ§πœπžπ¬ 𝐨𝐟 π‘π¨π¦πž

 325,466 total views

 325,466 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ— β€’ 𝐒𝐭. π…π«πšπ§πœπžπ¬ 𝐨𝐟 π‘π¨π¦πž ππ‘π€π˜π„π‘ Saint Frances of

Read More Β»

𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐑𝐧 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝

 325,494 total views

 325,494 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ– β€’ 𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐑𝐧 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝 ππ‘π€π˜π„π‘ 𝘚𝘒π˜ͺ𝘯𝘡 π˜‘π˜°π˜©π˜― 𝘰𝘧

Read More Β»

𝐒𝐭. 𝐂𝐨π₯𝐞𝐭𝐭𝐞

 325,473 total views

 325,473 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ” β€’ 𝐒𝐭. 𝐂𝐨π₯𝐞𝐭𝐭𝐞 ππ‘π€π˜π„π‘ 𝘐 𝘒𝘴𝘬 𝘺𝘰𝘢 𝘡𝘰 π˜ͺ𝘯𝘡𝘦𝘳𝘀𝘦π˜₯𝘦

Read More Β»

𝐒𝐭. 𝐎π₯𝐒𝐯𝐚

 325,485 total views

 325,485 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ“ β€’ 𝐒𝐭. 𝐎π₯𝐒𝐯𝐚 ππ‘π€π˜π„π‘ π˜– 𝘚𝘒π˜ͺ𝘯𝘡 π˜–π˜­π˜ͺ𝘷π˜ͺ𝘒, 𝘱𝘒𝘡𝘳𝘰𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘧

Read More Β»

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top